Barbie

Barbie kinumpirma ang pakikipaghiwalay kay Jak

January 2, 2025 Vinia Vivar 167 views

Kumpirmadong break na sina Jak Roberto at Barbie Forteza matapos ang 7 taon nilang relasyon.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw, inanunsyo mismo ni Barbie ang kanilang hiwalayan.

Sinimulan ng aktres ang kanyang post sa pamamagitan ng isang quotation about breaking up.

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened – Dr. Seuss,” ang bungad ni Babie.

Kasunod nito ay sinabi niya na naging maligaya siya sa pitong taon nilang relasyon ni Jak at ang mensahe ng pamamaalam.

“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

“Your love was exceptional,” ani Barbie.

“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.

“Beautiful goodbye, @jakroberto,” pahayag ng aktres.

Nagpasalamat din siya kay Jak sa pagmamahal nito sa kanya at sinabing hangad niya na matagpuan ng aktor ang pag-ibig na deserve nito.

“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve,” mensahe ni Barbie kay Jak.

Nakiusap din ang aktres ng pang-unawa sa publiko at tulungan sila na tapusin na ang issue.

“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest,” pagtatapos ni Barbie.

Kapansin-pansin na hindi na sinabi pa ng aktres ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bago ito ay may mga bali-balita na nga na split na ang dalawa dahil wala silang post na magkasama lately especially nitong nagdaang holiday season.

May mga nabasa naman kaming comment ng netizens na single na rin ngayon ang ka-loveteam ni Barbie na si David Licauco dahil kabe-break lang daw nito sa non-showbiz girlfriend.

Well, hindi rin talaga maiwasang madamay si David sa breakup dahil magka-loveteam sila ni Barbie at marami talagang nagnanais na magkaroon sila ng relasyon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Jak tungkol sa breakup.

AUTHOR PROFILE