Barbie

Barbie, inamin ang ikinainis kay David

July 10, 2023 Vinia Vivar 463 views

Noong unang pagsasama pala nina Barbie Forteza and David Licauco ay hindi sila magkasundo at naiinis nga raw ang una sa huli.

Kwento ni David sa vlog ni Bea Alonzo kung saan ay sumalang siya sa lie detector test, inamin ito ni Barbie sa kanya recently lang sa shooting ng ginagawa nilang pelikula.

“Kasi lagi raw akong late tapos hindi raw ako nagso-sorry,” kwento ni David sa dahilan kung bakit hate siya ni Barbie noon.

Kaya naman sinabi niya rito ang dahilan kung bakit siya nale-late. He revealed na may sleep apnea siya kaya nahihirapan siyang matulog.

Ito ay isang disorder kung saan ay pansamantalang tumitigil ang paghinga ng isang tao kapag natutulog at pagkatapos ay babalik ulit.

“May sleep ap nga kasi ako. Basically, my breathing stops for like 30 seconds straight 24 times in an hour, so all throughout the night, hirap ako, eh, so stressed ako. So, paggising ko ng umaga, I’m stressed also,” paliwanag ni David.

“So, I have to work out and I have to meditate and all that stuff to be normal,” patuloy ng Pambansang Ginoo.

Ang isa pa raw sinabing dahilan ni Barbie ay ‘yung itinanong nito sa kanya before.

“Na-realize ko, weird naman talaga ‘yung sinabi ko sa kanya. First sentence ko sa kanya, sabi ko, ‘oy, Barbie, breadwinner ka ba?’ Ang labo naman din talaga, ‘di ba?’” sey ni David.

Parang narinig niya kasi na breadwinner si Barbie at hinangaan nga raw niya ito.

Pero siyempre, parang naloka ang aktres na ito agad ang itinanong sa kanya ng aktor.

“Saka siguro, late rin ako that day,” ani David.

Pero siyempre, ngayon ay okay na okay na sila ni Barbie dahil madalas na silang nagkakasama mula nang mag-hit ang tambalan nila sa “Maria Clara at Ibarra.”

AUTHOR PROFILE