Barbie

Barbie iginiit: Hindi nga ako kabit!

October 1, 2022 Vinia Vivar 344 views

“Hindi nga ako kabit!”

Ito ang ipinagdiinang muli ni Barbie Imperial sa kanyang latest vlog kung saan ay binasa at sinagot niya ang mga mean comment sa kanya ng netizens.

May isang basher na pinagbintangan siya na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

“’Teh, kelan ba sila naghiwalay? Kelan ba naghiwalay sina Carlo at Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang. Ako na naman sinisisi n’yo?” sey ni Barbie.

Sey pa niya, “Parang ’yung mga tao gigil na gigil na maging kabit ako, ‘no? Parang every time na may nagbi-break, ako talaga. Pero wala namang proof na ako talaga ‘yun.”

Muli niyang iginiit na hindi siya kabit.

“At saka, hello! Sinabi ko na ito sa last vlog ko, hindi nga ako kabit. Hindi, okay?”

Aminado naman si Barbie na naaapektuhan din siya ng mga pangba-bash sa kanya pero inaalis na lang daw niya ito sa kanyang isipan.

“To be honest, siyempre tao lang din naman medyo nakakaapekto rin siya ng mood. But ako kasi, I make sure na hindi siya pumapasok sa utak ko, lahat ng mga sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal-tagal na rin ako sa showbiz, kaya medyo sanay na rin ako,” aniya.

Sa kabila ng mga bashing ay nagpapaka-positibo pa rin si Barbie at ginagamit na lang daw niya itong way para i-improve ang sarili.

“So, ako very thankful ako na may mga nangba-bash sa akin, especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas naku-correct ko siya. At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, okay, if you’re saying this about me, panoorin mo ako mag-i-improve ako,” she said.

KATHNIEL MOVIE SA 2023

Katatapos lang ng lock-in taping nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng serye nilang 2 Good 2 Be True.

Ayon sa reel and real loveteam, magpapahinga lang muna sila sandali.

“One year na kaming nagte-taping at nagla-lock-in. Medyo nakakabaliw siya, ‘no, kailangan namin ng break,” natatawang sabi ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.

By early next year ay sasabak na raw ulit sila sa trabaho and this time, pelikula naman ang gagawin nila.

May isa raw silang movie together at isa pang pelikula na magkahiwalay. Pero wala pa naman daw detalye.

“Wala pang final din, parang magmi-meeting kami after 2 Good na lang, but definitely, movie next year,” tsika ni Kathryn.

Samantala, panibagong mga pagsubok ang kakaharapin ng bagong magkasintahan na sina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) para protektahan si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) sa mga pinaplano ni Helena (Gloria Diaz) sa bagong yugto ng 2 Good 2 Be True.

Kasabay ng pagtanggap ni Eloy bilang chairman ng Horizon Grand, nalaman din nila na posibleng si Helena ang mastermind sa paninira sa buhay ni Lolo Sir.

Alamin kung paano nila mahahanapan ng butas si Helena at mapagbayaran ang kanyang mga kasalanan.

Nagpasalamat naman ang KathNiel sa patuloy na suporta ng kanilang fans nang ipinagdiwang nila ang ika-11 anibersaryo bilang loveteam last Sept. 26.

Patuloy na i-stream ang 2 Good 2 Be True nang advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

Maaari rin itong subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook at YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE