Diego

Barbie, Diego muling nagkasama

March 11, 2022 Aster Amoyo 724 views

IT was only last December 11 nang mag-celebrate ang dating magkasintahan ng kanilang first anniversary bilang magka-relasyon at kitang-kita pa ang dalawa kung gaano ka-sweet nang ito’y dumalo sa private screening ng kanilang movie together na pinamagatang “Dulo” na sinulat at dinirek ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon at ipinalabas sa Vivamax streaming app last December. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay ang dalawa before Christmas at magkahiwalay nila itong sinelebryt in separate locations. Diego spent his Christmas at the house of couple Billy Crawford and Coleen Garcia habang si Barbie naman sa pamilya ng kanyang friend, ang younger sister ni Daniel Padilla.

Walang ibinahaging dahilan ang dating magkasintahan kung bakit sila nagkahiwalay.

Si Diego ay lumipad patungong Amerika nung December 30, 2021 at nanatili roon sa loob ng halos dalawang buwan.

Last March 3 ay may nakakita sa dalawa na magkasama sa isang restaurant in Pasig City at inakala ng marami na nagkabalikan ang dalawa pero ito’y personal na pinabulaanan ng young actor at the post-preview ng kanyang bagong movie under Viva Films, ang action-drama na “Adarna Gang” na palabas ngayon sa Vivamax.

Sinabi ng binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na magkaibigan pa rin umano sila ni Barbie and on speaking terms sila. It was also their first time na nagkasama after their break-up na unang kinumpirma mismo ng Kapamilya actress.

Ang nakalimutan lamang itanong kay Diego ay kung bukas pa siya sa posibilidad na makipagbalikan sa kanyang ex-girlfriend na si Barbie.

Samantala, si Diego ay isa sa busiest actors sa bakuran ng Viva Films having completed at least seven films last year at isa na rito ang “Adarna Gang” na palabas ngayon sa Vivamax.

Ang “Adarna Gang” ay tinatampukan din nina JC Santos, Mark Anthony Fernandez, Coleen Garcia, Ronnie Lazaro kasama sina Jay Manalo, Soliman Cruz, Sharmaine Buencamino, Mickey Ferriols, Archie Adamos at iba pa. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng award-winning director na si Jon Red.

Samantala, ngayong naayos na ang relasyon ni Diego sa kanyang amang si Cesar Montano, gusto ng young actor na makasama ang ama sa isang full-length movie bilang co-actor and director.

Natutuwa naman sa muling pagkakabati nina Diego at Cesar ang dalawa sa mga exes ng huli na sina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz maging ang tatlong anak ng actor-director-producer sa kanyang ex-wife na si Sunshine na sina Angelina, Cheska at Sam.

IvanaIvana naka-lock in kasama sina Gerald at Sam

FILIPINA-Moroccan sexy star and top celebrity vlogger and entrepreneur Ivana Alawi (25) has started taping for her very first lead series entitled “A Family Affair” kung saan sina Gerald Anderson at Sam Milby ang kanyang dalawang leading men.

Sina Gerald at Sam ay huling napanood sa magkahiwalay na primetime TV series na “Init sa Magdamag” (for Gerald) at “Ang Iyo ay Akin” (for Sam) habng nung 2019 naman ang huling serye na ginawa ni Ivana, ang “Sino ang Maysala? Mea Culpa” also on Kapamilya channel at siyang nakapagbigay sa kanya ng “Best New Female Performance” award mula sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

Although supporting roles pa lamang ang ginampanan ni Ivana in the past, it’s about time na mag-level up naman siya bilang lead actress sa pamamagitan ng kanyang upcoming drama series.

Ang cast ng “A Family Affair” ay kasalukuyang nasa lock-in taping in Masbate.

Bukod sa tatlong lead cast, walang ibang information kung sinu-sino ang kasama ng tatlong lead stars at kung sino ang director ng serye.

GeraldGerald, Julia gusto nang magkatuluyan

MAGKASUNOD lamang ang birthday ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto. Unang nag-celebrate ng kanyang ika-33rd birthday ang Kapamilya actor nung March 7 and three days after nung March 10 ay 25th birthday naman ni Julia.

Hindi naman nagpabaya ang actor-entrepreneur na batiin ang girlfriend sa kanyang Instagram account dahil nasa gitna siya (Gerald) ng lock-in taping for his new TV series sa Kapamilya channel.

Almost three years na rin ang relasyon nina Gerald at Julia na nagsimula nang sila’y magsama sa pelikulang “Between Maybes” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na ipinalabas nung May 2019.

Mahigit isang taon ding naitago ng dalawa ang kanilang relasyon and was only confirmed nang personal itong aminin ng actor sa panayam sa kanya ng “King of Talk” na si Boy Abunda may isang taon na rin ang nakakaraan. After that interview ay naging bukas na ang dalawa sa publiko.

Bago si Julia, Gerald was in a relationship with former Kapamilya actress Bea Alonzo na isa na ngayong Kapuso actress habang si Julia ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva.

Kung tatanungin sina Gerald at Julia, nakikita nila ang kanilang mga sarili ending up with each other someday.

KailaKaila nagmana sa magulang

MAY pinagmanahan talaga ang young actress na si Kaila Estrada dahil siya’y anak ng screen veterans, ang estranged couple na sina Janice de Belen at John Estrada.

Patuloy na tumatanggap si Kaila ng mga papuri dahil sa ipinakikita nitong husay sa pag-arte sa tumatakbong primetime TV series na “Viral Scandal” na tinatampukan nina Charlie Dizon at Joshua Garcia.

Ang 26-year-old young actress ay mapapanood din for the very first time sa two-part episode ng MMK kaya naman todo suporta sa kanya ang kanyang amang si John Estrada na napapanood naman sa hit action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” habang ang kanyang inang si Janice de Belen ay kamakailan lamang napanood sa hit primetime series na “La Vina Lena”.

Mas naunang pumasok sa showbiz ang isa pang kapatid ni Kaila na si Ina de Belen (Estrada) na nasa bakuran naman ng GMA.

Sina Kaila at Ina ay may dalawa pang kapatid na sina Moira at Yuan sa kanilang parents habang half-sibling naman nila ang kanilang Kuya Luigi (Iggy Boy) Muhlach sa mother side.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE