Barbie

Barbie, ‘di gagantihan ng kaso si Debbie 

May 25, 2023 Vinia Vivar 73 views

Ibinasura ng korte ang tatlong kasong isinampa kay Barbie Imperial ng dating kaibigan at Vivamax star na si Debbie Garcia.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ipinakita ang kopya ng resolusyon ng korte kung saan ay nakasaad na dini-dismiss na ang mga kasong grave oral defamation, slight physical injury at grave slander by deed laban kay Barbie.

Ayon sa desisyon ng korte, walang sapat na ebidensyang nakita sa CCTV footages para mapatunayan ang mga reklamo against Barbie.

“The alleged defamatory remarks and the other acts intended or calculated to cast dishonor, discredit or contempt upon the Complainant that would constitute the crimes of Grave Oral Defamation and Slander by Deed are not evident in the CCTV footages attached to the Complaint,” ang huling bahagi ng desisyon na binasa ni Ogie.

Nakasaad din dito na “there was no recording that Respondent was grabbing ang pulling the Complainant’s hair, scratching her chest, neck and arm and kicking her leg.”

Ani Ogie, “Ginawang batayan ng korte ang CCTV na hindi talaga sila nagdikit ni Barbie.”

Hindi na raw magsasampa pa kontra-demanda ang kampo ni Barbie.

“Gusto na lang daw ni Barbie na malaman ng mga tao na siya ang nagsasabi ng totoo,” sey ni Ogie.

Matatandaang Nobyembre, 2022 nang sampahan ng kaso ni Debbie si Barbie matapos ang away na naganap sa kanila sa isang bar sa Quezon City noong Oktubre that same year.

AUTHOR PROFILE