Barbie

Barbie bumili ng mixer online, medyas ang dumating

January 13, 2025 Vinia Vivar 92 views

Ibinahagi ni Barbie Imperial sa Instagram ang hindi magandang online shopping experience niya just recently.

Ipinost ni Barbie sa kanyang IG Story ang screenshot ng item na kanyang inorder. Isa itong hand mixer na nagkakahalaga ng mahigit P4,000.

Ipinakita rin niya ang larawan ng dumating sa kanyang item na isang pares ng medyas sa halip na mixer.

Natawa na lang si Barbie at buti na nga lang, hindi kalakihan ang amount na na-scam sa kanya.

“HAHAHAHA SCAMMED. Help @lazadaph,” caption ng aktres.

Pinayuhan si Barbie ng netizens na i-check mabuti kung legit gayundin ang mga review kapag bibili ng items sa online shops.

AUTHOR PROFILE