Barbie binasted si Ruru dahil sa tsinelas
Niligawan din pala ni Ruru Madrid si Barbie Forteza noong teenager pa lang ito pero binasted siya ng aktres.
Ni-reveal ito ng aktor sa “Lutong Bahay” cooking/talk show hosted by Mikee Quintos.
Tinanong ni Mikee si Ruru kung sino ang niligawan niyang artista pero binasted siya.
“14, 15 lang yata ako, si Barbie,” sagot ni Ruru.
Dagdag niyang kwento, “14 ako, niligawan ko siya. Ang ginawa ko binigyan ko siya ng tsinelas, hindi ko alam ang size niya.”
Sey pa niya, natatandaan niya na umuwi ang tito niya galing ng abroad at may uwing mamahaling tsinelas. Naisip daw niyang iregalo ito kay Barbie.
“Tinanggap niya ‘yung regalo. ‘Yung tsinelas pala na naibigay ko sa kanya, sobrang laki sa kanya as in kalahati lang ‘yung paa niya sa tsinelas,” tsika niya.
Pagre-reveal pa ni Ruru, “’Yun ‘yung naging dahilan kung bakit niya ako binasted.”
Sinita naman siya ni Mikee at sinabing “Kasi naman, ‘di mo man lang tsinek ‘yung size.”
IYA HIRAP SA PAGBUBUNTIS
Inamin ni Iya Villania na hirap siya sa pagbubuntis sa 5th baby nila ng mister na si Drew Arellano compared sa mga naunang pregnancy niya.
“I think it’s inevitable kasi nga mas matanda na rin naman ako. I was 31 when I when I started with Primo, and I’m 38 now,” sey ni Iya sa panayam sa “Updated with Nelson Canlas’ podcast.
Ayon sa TV host, ngayon na 38 na siya ay may mga takot na siyang nararamdaman sa kanyang panganganak.
“There were fears that creep into my head na you know, your body might take things differently, if it’s gonna be harder. Well I am already at high risk because I am past 35 and once you’re past 35, high-risk ka na,” sabi ni Iya.
Nahirapan din daw siya sa first trimester ng kanyang pagbubuntis.
“The first trimester was probably the hardest with this one,” aniya.
Ang dinadasal na lang niya ngayon ay sana makaraos siya nang maluwalhati sa panganganak at walang maging kumplikasyon.
“I hope that… because along with the delivery, the kind of delivery can also dictate the kind of recovery that you’re gonna have. So parang nand’un pa lang ‘yung isip ko because until I get past that, hindi ko rin masasabi kung what’s it gonna be like having the fifth baby,” she said.
“So right now, my mind is just open to these are all the possibilities. Yes, it scares me, but always just praying for the best and praying for God’s favor, and of course, I’m hoping that all will go well.
I hope that I will be safe, baby will be safe,” sabi pa ng celebrity mom.