
Barbie at David patuloy na nagpapakilig
TIYAK na nagbubunyi na naman ngayon ang BarDa fans ng mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco dahil may bagong TV commercial ang magka-loveteam ng kilalang fast-food chain na may kasamang kilig factor.
Hindi maikakaila ang kasikatan ngayon ang loveteam nina Barbie at David, ang tambalan na nabuo nang gawin nila ang seryeng “Maria Clara at Ibarra” kahit hindi sila ang nasa lead role kundi sina Julie Anne San Jose at Dennis Trillo who played the respective roles of Maria Clara and Crisostomo Ibarra.
Ang “Maria Clara at Ibarra” ay nasundan ng TV remake ng pelikulang “Maging Sino Ka Man” kung saan sina Barbie at David ang pangunahing bida nung 2023 na sinundan ng “Pulang Araw” nung isang taon kung saan naman nila mga kabituin sina Dennis Trillo, Alden Richards at Sanya Lopez. Nagsama rin ang dalawa sa kanilang first movie together, ang “That Kind of Love” na ipinalabas nung isang taon.
Although wala pang follow-up project sina Barbie at David, pumasok naman ang kanilang first commercial bilang magka-loveteam.
Ngayong pareho nang single sina Barbie at David, magkatuluyan kaya ang dalawa sa totoong buhay?
McCoy pinalakpakan
PINALAKPAKAN ang first lead role sa pelikula ng Viva actor na si McCoy de Leon, ang religious drama movie na “In Thy Name” na hango sa totoong buhay ng tinaguriang Claretian martyr priest na si Fr. Rhoel Gallardo who were among those kidnapped ng Abu Sayyaf nung May 2000 who was tortured bago ito pinatay dahil ayaw nitong i-renounce ang kanyang pananampalataya sa Diyos.
Napakahusay ni McCoy sa kanyang ginampanan role sa pelikula at hindi rin siyempre nagpahuli ang iba pang miyembro ng cast tulad ni JC de Vera (who played the role of Khadaffy Janjalani), Mon Confiado (Abu Sabaya), Soliman Cruz kasama sina Yves Flores, Aya Fernandez, Martin Escudero, Ynez Veneracion, Flora Espano, Kat Galang, Gold Aceron, John Estrada, Aaron Villaflor, Ana Abad Santos, Richard Quan, Marx Topacio at marami pang ito. Ang nasabing pelikula ay magkatulong na pinamahalaan nina Caesar Soriano at Rommel Galapia Ruiz under GreatCzar Media Productions and released by Viva Films at palabas ngayon sa mga sinehan nationwide.
Ang red carpet premiere night ng “In Thy Name” ay ginanap sa tatlong sinehan (Cinemas 5-6-7) ng SM North EDSA last Tuesday, March 4 ng gabi at dinaluhan ng major and support cast at kasama na rito ang mga pari at mga madre.
Kung kinamumuhian si McCoy sa kanyang character as David Dimaguiba sa hit primetime action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin who co-produces the series with ABS-CBN at siya ring tumatayong creative director at isa sa mga director ng serye, sobra namang mamahalin at kaaawaan ang kanyang character bilang si Fr. Rhoel Gallardo sa pelikulang “In Thy Name” as his redeeming factor sa kanyang villain character in “FPJ’s Batang Quiapo”.
Ang pelikulang “In Thy Name” ay magsisilbing belated birthday gift kay McChoy who turned 30 nung nakaraang February 20, 2025.
The actor has an almost four-year-old daughter na si Felize de Leon sa young actress at dati niyang kasamahan sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 nung 2016 bilang housemate na si Elisse Joson.
Naging member din siya sa all-male dance group, ang Hashtags sa noontime show, ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN.
Si McCoy ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency.
ABS-CBN tower gigibain na
NAKALULUNGKOT isipin na ang iconic tower ng ABS-CBN ay gigibain na matapos ipagbili ng mga Lopez ang old property na kinatitirikan ng tower at old studios ng ABS-CBN maging ang kanilang AM and FM radio booths. Matitira na lamang umano ang ELJ Building na siyang matitirang tahanan ng ABS-CBN.
Walang mag-aakala na matitibag ang iconic ABS-CBN Tower na naging posible lamang magmula nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya channel nung May 5, 2020 sa administrayon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte. Libu-libong empleyado ang nawalan ng trabaho bukod pa rito ang mga production staff, mga artista, contractual staff, suppliers at iba pa at milyun-milyon ang nawalan ng pagkakataon na mapanood ang news, public service at entertainment ng Kapamilya network.
ABS-CBN used to be the leading radio and TV network ng bansa na may ilang dekadang namayagpag sa ere na hindi lamang nagbibigay ng entertainment kundi maging ng news and public information maging ang pagtulong sa iba’t ibang kalamidad sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation at iba pang charity works.
Hindi kaya nako-konsensiya ngayon ang mga kongresista na sumuporta at lumagda para mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN o ito’y kanilang ipinagbubunyi ngayon?
Hindi man nila (congressmen) tuluyang napabagsak ang ABS-CBN dahil nangunguna pa rin ito sa digital world, sa paggawa ng content, pagtulong sa mamamayan laluna sa panahon ng sakuna , pagbi-build up ng talents at paghahatid ng news and public service bukod pa sa entertainment.
July 1953 nang itayo ang ABS-CBN Tower na matatagpuan sa panulukan ng Mother Ignacia at Sgt. Esguerra (dating Bohol Avenue) in Quezon City. October 1953 naman ang first broadcast ng ABS-CBN.
After over seven decades na nakatayo ang ABS-CBN iconic tower ay tuluyan na rin itong bubuwagin at mamaalam. Isa rin ito sa maituturing na landmark in Quezon City sa maraming taon at panahon.
How sad!
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.