Barbers: Chinese gangs ‘bumili’ ng libong hektarya ng lupa sa PH
NAMILI umano ng libong hektarya ng lupa sa Pampanga at iba pang bahagi ng bansa ang Chinese syndicate.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chair ng committee on dangerous drugs, sa unang araw ng pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes.
Ang Chinese syndicate umano ay gumamit ng mga pekeng dokumento upang palabasin na sila ay Pilipino at makapagtayo ng lehitimong negosyo.
Ayon kay Barbers, sa mga naunang magkakahiwalay na pagdinig ng mga komite, lumabas na magkakaugnay ang mga kompanya na may-ari ng warehouse sa Pampanga kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu noong Setyembre 2023.
Ang shabu ay idinaan sa Subic Freeport.
Sinabi ni Barbers na ang mga Chinese nationals, kasama ang economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, ay konektado sa mga personalidad na may kinalaman sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO) at iligal na droga.
Si Yang ay nauna ng naiugnay sa kontrobersya ng Pharmally medical supplies procurement.
“Land acquisition is one of the ways that they launder their drug funds. Nakabili na po sila ng libo-libong ektarya ng lupa dito sa Pampanga and across the country,” giit ni Barbers.
Sinabi ni Barbers na tatangkain ng quad committee na isiwalat ang sindikato na bumibili ng mga lupa.
Isinagawa ang unang pagdinig ng quad committee sa mini-convention center ng bayan ng Bacolor sa Pampanga, bahagi ng ikatlong distrito na kinakatawan sa Kamara de Representantes ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Nagpasalamat si Barbers at Gonzales sa mga opisyal ng probinsiya at bayan sa pag-host sa pagdinig.
“Despite the catastrophe that befell the town, it was the resiliency and iron will of the people that propelled its recovery. Rehabilitation of Bacolor was slow at first, but steady nevertheless.
Through yours truly, the passage of Republic Act No. 9506, which established the Bacolor Rehabilitation Council, assisted in expediting the town’s revitalization efforts,” ani Gonzales na ang pinatutungkulan ay ang pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991.
Sinabi ni Gonzales na noong 14th Congress ay inakda nito at ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang naturang batas. Ang ina ni Speaker Romualdez ay nag-ugat sa Mabalacat City.
“Through the Bacolor Comprehensive Rehabilitation Master Plan, and the concerted efforts and valuable contribution of the people, the municipality has moved towards full recovery, regained its vibrancy, and rose to develop into one of Pampanga’s most progressive communities,” sabi ni Gonzales.
Sinabi ni Gonzales na ang nakikitang pag-unlad sa Bacolor ngayon ay bunga ng dugo at pawis ng mga anak ng bayan.
“We will not let this redemption story go in vain. We have sacrificed too much for our municipality to be buried yet again – this time through the entry of foreign entities with malign intentions.
This is a warning to all who threaten the safety and security of our people: You will never succeed! We will pursue this joint investigation and demonstrate our commitment to justice, the rule of law, and the protection of human rights,” giit pa nito.
“This Quad Comm meeting is every House member’s testament that we will fight against the malice that poses to undermine what we have labored for,” sabi pa ni Gonzales.
“We will not allow this to spread into nearby towns and provinces and tarnish the honor of our country. Through these investigative efforts, we will mirror the resiliency of the people of Bacolor: we will overcome this tragedy and adversity. We will rise from the ashes, and we will rebuild our beloved country towards our goal of a Bagong Pilipinas!,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Laguna Rep. Dan Fernandez, chairman ng committee on public order and safety, na ginamit ng mga Chinese drug syndicate ang kanilang kinita mula sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot upang makakuha ng mga pekeng dokumento gaya ng pasaporte at birth certificate.
“They bribe government functionaries, from the barangay level up to national agencies,” sabi ni Fernandez.