Default Thumbnail

Barbero dedo sa pananambang sa Malate

December 26, 2022 Jonjon Reyes 279 views

WALA nang nagawa at hindi na nagawang maisalba sa Ospital ng Maynila ang isang 28-anyos na barbero makaraang barilin sa harap ng isang barber shop, iniulat ng pulisya.

Ayon sa ulat, may ka live-in ang biktima at residente ng San Andres Bukid, Maynila.

Mabilis namang umeskapo at tuluyang nakalayo ang gunman na ayon sa dalawang saksi ay may suot na itim na helmet, gray na jacket at brown pants at lulan ng Honda ADV na motorsiklo na walang plaka.

Batay sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas-8:25 ng umaga bago ang bisperas ng Pasko, nang barilin ang biktimang barbero na nakatalikod habang nakatayo sa harap ngisang barberya sa Barangay 724 , San Andres St., sakop ng Malate sa lungsod.

Dinala sa nasabing pagamutan ang biktima at pasado alas 8:43 ng umaga, Biyernes (Disyembre 23) ng umaga nang ideklarang patay si Frontanares.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para tukuyin ang gunman, habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya ng biktima sa Cruz Funeral Morgue.

AUTHOR PROFILE