Default Thumbnail

Barangay captain, nakaligtas sa pananambang sa Leyte, Leyte

September 25, 2023 Zaida I. Delos Reyes 294 views

NAKALIGTAS sa pananambang ang isang kapitan ng barangay matapos na ratratin ng bala ng hindi pa nakikilalang suspect ang kanyang sasakyan nitong Linggo ng hapon sa Barangay Poblaciuon, Leyte, Leyte.

Nakilala ang biktima na si Edgar dela Rosa, 52, kapitan ng Barangay Baco sa nasabing munisipalidad.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon sa Mabini street, Barangay Poblacion.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang pickup truck pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Baco nang tambangan ng suspect na lulan ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, tinadtad ng bala ng suspect ang sasakyan bago tuluyang tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Sambulawan.

Maswerte namang hindi tinamaan ang biktima dahil agad itong nakayuko kaya’t tanging gasgas lamang ang tinamo ng kanyang balikat at kili-kili.

Na-recover mula sa pinangyarihan ng krimen ang sampung basyo ng bala ng 9 mm nab aril.

Sa kasalukuyan. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng puliysa upang bigyang linaw ang insidente.