Default Thumbnail

Bangkay ng lalaki lumutang sa dagat

February 12, 2022 Edd Reyes 370 views

LUMUTANG ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa karagatang sakop ng Pondodan sa Barangay Tangos North Biyernes ng hapon sa Navotas City.

Pabalik na ang mangingisdang si Noly Cabas, 32, sakay ng isang pribadong bangka, nang mamataan niya ang lumulutang na bangkay ng isang lalaki dakong ala-1 ng hapon kaya’t nagpasiya siyang hilahin ito patungo sa dalampasigan.

Pagdating sa dalampasigan ay kaagad na ipinagbigay alam ni Cabas sa mga opisyal ng Barangay Tangos North ang nakita niyang lumulutang na bangkay bagama’t pasado alas-4 na nang makarating ang kaalaman sa pulisya.

Sa ulat na nakarating kay Navotas Police chief P/Col. Dexter Ollaging, walang nakakakilala sa biktima na nakasuot ng sando at itim na short, tinatayang nasa 30 hanggang 40-taong gulang, may taas na 5’7 at may disenyong tattoo na koi fish sa kanang braso.

Pansamantalang inilagak ng pulisya sa isang punerarya sa lungsod ang bangkay upang doon isagawa ang pag-autopsiya para malaman ang kanyang ikinamatay habang patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang pulisya.

AUTHOR PROFILE