Bangkay ng lalaki itinapon sa creek

July 16, 2021 Gil Aman 203 views

NATAGPUAN ang naaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa isang creek sa Sitio Aambon, Marilaque Highway, Bgy, Laurel, Sta. Maria, Laguna.

Sa ulat ni PCapt. Earl Rodenni Jangalay, hepe ng Sta. Maria police kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, dakong alas 3:45 Miyerkules ng hapon ng matagpuan sa lugar ang bangkay ng biktima.

Nakadapa sa gubat at walang saplot sa kanyang katawan ang biktima habang ang kulay brown na shorts nito na may belt na kulay brown ay nakababa sa kanyang tuhod ng ito ay matagpuan ng isang magsasaka.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo habang ang kabuuang mukha nito ay binalutan ng duct tape samantalang ang kanyang paa’t kamay ay kabilang sa binalutan bago isinagawa ng mga suspek ang pamamaslang.

Hinggil dito, inalarma ni Jangalay ang lahat ng himpilan ng pulisya sa lalawigan at karatig na probinsiya para sa agarang pagkakakilanlan sa biktima kung saan daglian na rin itong ipinalibing sa Municipal Cemetery dahil agnas na ang buo nitong katawan.

AUTHOR PROFILE