Bangkay ng kelot nakitang palutang-lutang sa Pasig River
PINANINIWALAANG nalunod ang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang palutang-lutang ng Philippine Coast Guard (PCG) member sa Pasig River sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Maynila noong Sabado.
Tinatayang 20 hanggang 25 anyos, 5’2 ang taas, naka asul na shortpants at walang suot na damit ang biktima.
Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:50 ng umaga nang makita ni Benjie Suarez, PCG member, ang bangkay.
Ipinagbigay alam ng PCG member sa security suard na nasa tabi ng North Star Shipping Company sa naturang lugar ang nakita niyang bangkay.