
Bangkay nabingwit sa Ilog Pasig
ISANG palutang-lutang na bangkay ang natagpuan ng barangay tanod sa ilog Pasig sa Brgy. 896, F. Manalo, Punta, Sta. Ana, Maynila noong Sabado.
Tinatayang nasa 50 hanggang 60-anyos, 5’2 hanggang 5’4 ang taas, katamtaman ang katawan, kayumanggi ang balat, naka dilaw na may stripe na itim na t-shirt at maong pants ang bangkay.
Base sa report ng Manila Police District-Punta Police Community Precinct, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang mamataan ang biktima sa ilog Pasig.
Nagpatulong ang mga barangay tanod sa ilang tambay sa lugar na iahon ito at dalhin sa Sta. Ana Ferry Station at saka ipinag-bigay alam sa Manila Police District.