Default Thumbnail

Bangkang overloaded tumaob, 11 nailigtas

August 19, 2023 Zaida I. Delos Reyes 161 views

LABING-isa katao ang nailigtas matapos na lumubog ang overloaded na bangkang sinasakyan nila sa Polillo Island sa Quezon noong Biyernes.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, overloaded ang bangka dahil lima hanggang anim katao lamang ang kapasidad nito at hindi 11.

Kabilang sa mga nailigtas ang mag-asawang may ari ng bangka at isang sanggol

Papunta ang mga nailigtas sa Infanta, Quezon para maki-fiesta pero sinalubong ng malakas na alon pagsapit sa Polillo island dulot ng habagat.

Tumaob ang bangka dahil sa laki ng alon at lakas ng hangin. Maswerte namang may mga bangkero sa paligid na nagligtas sa mga biktima.