Pisano

Ban sa eSabong nagresulta sa di lisensiyadong betting activities

September 23, 2022 People's Tonight 85 views

ANG suspensiyon ng eSabong operations ay nagresulta upang humanap ang mga bettors ng iba pang alternatibo sa online cockfighting game, at ilan dito ay hindi na regulated ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) gaya ng nahuling illegal eSabong operators sa Cebu kamakailan.

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 7 ang dalawang negosyante at 37 personnel nila dahil sa umano’y pag-organisa ng illegal online cockfighting o eSabong.

Ang pag-aresto ay ginawa noong nakaraang linggo sa Barangay Calajoan, Minglanilla, Cebu base sa search warrant na inisyu ni Judge Veloso-Fernandez ng Branch 19 ng Regional Trial Court (RTC) na inihain laban sa Amenic N’ Calajoano cockpit.

Ayon kay Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano, ang ban sa eSabong ay hindi lamang nagresulta sa potensiyal na revenue loss para sa gobyerno, ngunit nakatulong din sa paglaganap ng illegal betting activities sa bansa.

“Compared to when for example sabong was being held in different arenas, then I guess that is where you don’t get to monitor what is happening,” pagbubunyag pa ni Pisano, at idinagdag na ang gobyerno ay nalulugi sa taxes na dapat sana ay nakokolekta mula sa mga negosyo.

Ang kita sa online cockfighting activity ay nakatulong sa pagpapalakas ng mandated contribution ng PAGCOR sa mandated contributions sa nation building sa P22.91 bilyon noong 2021, na lumaki mula sa nakalipas na taon sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya ng COVID-19.

Sa pag-aresto, nakakumpiska ang NBI-7 ng aabot sa P2 milyong halaga ng mga gadgets, gaya ng video cameras at computers at bet money na nagkakahalaga ng P2.6 milyon.

Ani Pisano, mas mainam na magkaroon ng aktibidad na regulated at operated ng mga tao o organisasyon na may kumpiyansa ang gobyerno, kaysa sa mga aktibidad na nasa labas ng scope ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan aniya, ang aktibidad ay maayos na napapatakbo at hindi naaabuso, at sa halip ay magkakaroon ng positibong epekto sa ekonomiya.

Inaasahan na rin ng pederasyon na magpapatuloy sa paglago ang illegal betting kung mabibigo ang gobyerno na magsagawa ng coordinated at epektibong aksiyon para labanan ang illegal betting operators.

“Because if we’re allowing casinos to operate, we are allowing horseracing to operate, then what makes eSabong different? It’s either you cannot say that one thing is good, but another thing is not. It should be applied equally across,” ani Pisano.

Upang mapatigil ang paglipana ng illegal eSabong websites, tiniyak niya na ang lisensiyadong eSabong operators ay handang makipag-ugnayan sa mga mambabatas hinggil sa istriktong regulasyon sa industriya.

“We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive away the illegal operators,” ani Pisano.

“At the moment the government’s losing, the community is losing, and it’s something we can do together to help build the industry. The Philippines is the hub for gaming now…nothing makes us happier than to work with the regulators to help grow the eSabong industry,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Mayo 2022, ipinag-utos ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng operasyon ng eSabong sa bansa.

AUTHOR PROFILE