Regine Larawan mula sa IG/Regine Tolentino

Bampira

June 20, 2024 People's Tonight 411 views

BAKA po bumalik ang El Niño sa kaseksihan niyo.” Isa lamang ‘yan sa mga banat ng netizens sa TV presenter-dancer na si Regine Tolentino matapos nitong yugyugin ang natutulog na mundo ng mga barako.

Hindi nga lang sa stage dinala ni Regine ang pagiging dancer niya. Pati sa dagat, hindi siya paaawat sa paghataw mula sa isang video na ibinahagi niya sa Instagram.

Mapapanood siya sa nasabing post na todo indak sa isang kanta suot ang two-piece bikini habang nakalublob sa beach.

“Ima beat it like a drum,” saad niya sa caption ng kanyang post.

Tila punong-puno ng bitamina ang sumirit na sex appeal ni Regine. Makamandag ang ganda ng kurba ng nasabing Eba. Mukhang magkakasala na naman ang mga kalahi ni Adan sa mundo ng kanilang pantasya.

Ibang klase ang taglay na gayuma ng sex appeal ni Regine dahil kahit alam nang may asawa siya, ang mga kelot ay hindi pa rin magkandamayaw na gawin siyang pantasya.

Isang netizens pa nga ang humirit na bampira raw si Regine dahil sa walang kupas nitong alindog.

“Grabe ‘di naman po kayo tumatanda, vampire po ba kayo?” komento ng netizen.

Narito pa ang ilang komento ng netizens sa post ni Regine: “Dumagdag pa sa heat index”, “Still looking good”, “Umiinit ang katawan ko sa ‘yo”, at “Sobrang sarap mo talaga lahat ng part nakaka L.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar