Balut Island, Zambales nilindol

January 30, 2022 Jun I. Legaspi 211 views

MAKAHIWALAY na niyugyug nang malakas na lindol ang probinsiya ng Zambales, at Balut Island, Sarangani, Davao Occidental, Linggo.

Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang naramdaman ang magnitude 5 na lindol sa 169 kilometer ng Palauig, Zambales 8:17 a.m.

Ayon sa agency, tectonic ang origin ng lindol at 22 kilometer ang lalim nito. Walang inaasahan damages subalit nagbabala ang Phivolcs sa posibleng mga aftershocks.

Ayon sa Phivolcs dakong 9:05 am. nang maramdaman ang magnitude 4 na lindol sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental. Tectonic din ang origin ng lindol at 184 kilometer naman ang lalim nito sa lupa. Walang inaasahang damage at aftershock ang agency kaugnay sa nasabing lindol.

AUTHOR PROFILE