‘Balota’ ni Marian top grosser
Mas marami na nga ang nakanood ng pelikulang “Balota” na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang magsimula itong ipalabas sa mga sinehan noong October 16.
Naging certified top grosser ang Cinemalaya 2024 film sa opening week sa big screen. Nitong weekend nga ay nagkaroon ng surprise visit ang Kapuso aktres sa kaliwa’t kanang block screening ng pelikula sa Metro Manila.
Patuloy na napapahanga ni Marian ‘di lang ang kanyang mga fans, kundi pati na rin ang moviegoers na nakapanood ng pelikula.
Komento ng isang netizen sa official Facebook page ng aktres, “I saw the film. You gave justice to the role Idol. Congrats!”
Kahit nga ang mga nakapanood na sa pelikulang ito noong Cinemalaya, pumila pa rin para sa new cut ng “Balota.”
Very timely umano ang pagpapalabas nito dahil sa susunod na taon ay eleksyon na naman.
May handog din ang pelikula na special rate para sa mga guro at estudyante na nais makapanood nito sa piling sinehan.