Balota

‘Balota’ ni Marian namamayagpag, sold out ang screenings

August 3, 2024 Ian F. Fariñas 157 views

KABOGERA ang kauna-unahang Cinemalaya movie ni Marian Rivera na “Balota” na nagbukas sa ilang mga sinehan kahapon.

Hindi lang sold out ang karamihan sa screenings nito tulad ng sa Greenbelt, Ayala Malls Manila Bay, UP Town Center at kung saan-saan pa kundi kinailangan ding magdagdag ng screenings para ma-accommodate ang lahat ng gustong manood ng naturang Kip Oebanda film.

Hindi lang sa box office wagi ang “Balota” ni Marian dahil rave rin ang reviews na tinanggap nito mula sa netizens.

May isang moviegoer na nagsabing “nakakap*nyeta yung acting ni Marian Rivera sa Balota mga sistaaaa NAPAKAHUSAAAY!!!

“P*nyeta sobrang sulit watch nyo na mga dzaaai.”

Ang isa pang netizen, nag-comment ng: “I cried a river! Teacher Emmy (character ni Marian sa movie), isang mahigpit na yakap sa talino, husay at sa kabutihan ng iyong puso para sa bayan!

“Grabe, #Balota is a must-watch! This is one of Marian Rivera’s best movies! Napaka-husay! She’s screaming another Best Actress award!”

Siyempre, touched na touched naman ang Kapuso Primetime Actress sa lahat ng papuri sa kanyang pagganap maging sa napakainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang first Cinemalaya entry.

Hanggang August 11 mapapanood ang “Balota” sa mga sumusunod na sinehan: August 4, Ayala Malls Manila Bay – SOLD OUT; August 5, Ayala Malls Manila Bay, Trinoma, Market! Market! – 8:30 p.m.; August 6, U.P. Town Center, Greenbelt – 11 a.m.; August 7, Trinoma, Market! Market! – 2 p.m. at Ayala Malls Manila Bay – 8:30 p.m.; August 9, U.P. Town Center, Greenbelt – 5 p.m. at Ayala Malls Manila Bay – 8:30 p.m.; at August 11, Market! Market! – 11 a.m. at Trinoma – 1:30 p.m.

AUTHOR PROFILE