Arestado Makikita ang mga ibatAibang klase ng iligal na baril at bala na makumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 sa bahay ng isang 76-anyos na balo sa Dupax del Norte, Nueva Viscaya noong Huwebes.

Balo, 76, arestado sa sangkaterbang boga, bala

November 29, 2024 Alfred P. Dalizon 144 views

ISANG 76-anyos na balo na gumagawa ng mga airguns sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya and inaresto matapos makumpiska sa kanya ang sangkaterbang matataas na kalibre ng baril at bala na walang lisensya, ayon kay Police Regional Office (PRO)-2 director Brigadier General Antonio Marallag Jr. Residente ng Abbagu St., Purok Mahiwaga sa Brgy. Inban, Dupax del Norte ang akusadong si Celedonio Rivera.

Nahaharap ngayon ang akusado sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013).

Ayon kay Brig. Gen. Marallag, sinalakay ng mga miyembro ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company at Dupax del Norte police ang bahay ng akusado sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Paul Attolba Jr. ng Bayombong Regional Trial Court Branch 30.

Nakumpiska sa pag-iingat ng akusado ang 14 na kalibre .38 na revolvers, 8 kalibre .22 revolvers, 2 kalibre .32 revolvers, isang kalibre .22 na rifle, 3 barrels ng 12-gauge shotguns, isang barrel ng kalibre 5.56 rifle, isang barrel ng kalibre .30 na rifle, 4 na magazine ng M14, 9 na rifle bolt assemblies, 7 rifle scopes, 20 bala ng M14, 51 bala ng M16, 39 bala ng kalibre .22 magnum, 161 bala ng kalibre .22, 4 na bala ng .38 revolver, 4 na bala ng kalibre .32 rifle at isang bala ng Garand.

AUTHOR PROFILE