piolo

Balitang pagtalon ni Piolo sa Kapuso channel, kaduda-duda

June 4, 2021 People's Tonight 209 views

TIKOM pa rin ang bibig ng komedyanang si Pokwang kung lilipat na siya sa GMA Network.

Nahiwagaan ang netizens at followers ni Pokie nang lumabas sa Instagram niya ang pagbisita sa Kapuso Network.

May pa-hastag din kasi siyang #backtowwork na sinamahan ng pasasalamat kaya tumindi ang hinalang tatalon siya ng ibang network.

Hinala ng ilang netizens, magiging kasama si Pokie sa ginagawang series ngayon ni Carla na To Have and To Hold.

Ang latest Kapamilya star na may series sa GMA ay si Beauty Gonzalez. Pero walang tiyak kung kukunin siyang GMA Artist, huh!

Eh, kung puwede namang per project lang ang kontrata ng isang artista, wala namang issue kung magtatrabaho sa GMA si Beauty, huh!

Baka per project din ang kontrata ni Pokwang kung totoong may series siya sa Kapuso channel.

Pinakawalan nga ng GMA sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, bakit kailangan pang itali nang ilang taon ang isang artista kung puwedeng per project lang?

Duda lang kami sa naglalabasan sa social media na lilipat sa GMA si Piolo Pascual, huh!. Kuha Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE