Balik-recording

May 1, 2022 Ian F. Fariñas 155 views

Balik sa pag-awit si Ken Chan sa kanyang newest single titled Quaranfling under GMA Music.

Paglalarawan ni Ken sa kwento ng awitin, “It’s a love story na nabuo during the pandemic.”

Very timely ang kanyang single and at the same time ay naghahatid ng napakagandang mensahe para sa lahat.

“Alam natin na maraming nabuong pagmamahalan while we are in the middle of the COVID-19 pandemic. Nakita natin na in spite of what’s happening ay may magagandang bagay pa rin na nangyari sa buhay natin.

“May silver linings na nangyari tulad ng time and love na nagawa ko ulit for myself, for my family, and for a special someone.

“So, itong bagong single ko, hindi lang ako ang naka-experience nito, maraming tao ang naka-experience nitong Quaranfling. Kaya I’m very thankful and blessed na ang GMA Music ay nakaisip ng ganito kagandang konsepto at ganito kagandang kanta na I’m very excited to share with all of our Kapuso listeners at sa lahat ng supporters ko,” pahayag ni Ken.

Aminado ang aktor na talagang na-miss niya ang pagkanta kaya naman very thankful siya sa GMA Music for giving him that opportunity again.

This single is his comeback to the music scene since he released 1 Like in 2019.

“Na-miss ko talagang kumanta but because of GMA Music, nabigyan po ako ulit ng opportunity na magkaroon ng bagong single na Quaranfling. For sure, marami ang makaka-relate rito dahil sa title pa lang, alam mo na agad kung ano ang kwento,” anang aktor.

Quaranfling is written by Lolito Go Jr. and is now available on various streaming platforms worldwide. Kasalukuyan ding napapanood ang aktor sa Mano Po: Her Big Boss and All-Out Sundays on GMA Network.

AUTHOR PROFILE