Inton

Bakit kailangan ang CDE para sa renewal ng driver’s license?

November 3, 2021 Jun I. Legaspi 383 views

HINDI pa rin maunawaan ng driving public kung bakit kailangang kumuha muna ng Comprehensive Driver’s Education (CDE) para sa renewal ng driver’s license.

Ayon sa commuter at transport group, nagtataka sila sa bagong policy ng Department of Transportation at Land Transportation Office (DOTr-LTO) kaugnay sa bagong policy na ipinatutupad ng agency.

“Ayon sa grupo hindi pa rin nila maunawaan ang bagong polic dahil kung wala ka namang ginawang traffic violation bakit kailangan mong kumuha muna ng CDE bago makapag-renew ng license?,” saad ng grupo.

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na suportado nito ang position ni Deputy Speaker Rufus Rodriquez na wala sa provision ng Republic Act 10930 na required ang nasabing CDE sa pagrerenew ng driver’s license.

“100% supported ko si Cong. Rodriguez dito, lalo nga at nasa pandemya pa tayo, dagdag burden ito sa publiko,” saad ni Inton.

Nauna rito isinampa ni Rodriguez ang House Resolutions 2325 sa House of Representative na nag-uutos sa Department of Transportation at Land Transpotation Office (DOTr-LTO) na ipatigil o alisin agad ang nasabing bagong policy ng pagkuha ng CDE bagon makapag renew ng driver’s license ang isang individual.

Pinagpapaliwanag din ang DOTr-LTO sa nasabing unnecessary burden sa driving public.

AUTHOR PROFILE