Drug

BAKIT, BASTE?

April 3, 2024 People's Tonight 55 views

Davao mayor binira sa Part 2 ng palpak na DU30 drug war na tinarget mahihirap

SABLAY na nga uulitin pa.

Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, na isa ring human rights lawyer, sa pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na bubuhayin nito ang war on drugs na ipinatupad ng kanyang ama.

Sinabi ni Colmenares na napatunayan na palpak ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagresulta lamang umano sa paglabag sa karapatang pantao at sumentro lamang sa mga mahihirap.

“He used the same tactic na ginamit ng ama niya… hindi naman nag-work ‘yun sa tatay niya. So, bakit mo gagayahin pa rin, di ba? Ano ‘yung dahilan? After six years and thousands of deaths, palpak ‘yung drug war ni President Duterte if you look at it sa objectives niya,” giit ni Colmenares.

Ang war on drugs ng Duterte administration ay nagresulta sa pagkamatay ng 12,000 hanggang 30,000 Pilipino na karamihan ay mahihirap.

Ang 22-taon ng pamumuno ng mga Duterte sa Davao City ay nabahiran umano ng malawakang paglabag sa karapatang pantao na siyang napiling solusyon upang tugunan ang kriminalidad.

Hinamon ni Colmenares si Mayor Duterte na pag-isipang muli ang kanyang plano para matugunan ang isyu ng iligal na droga sa Davao City.

“Failure ‘yan eh. Been there, done that na ‘yan. So you’re not inventing something new,” giit ni Colmenares.

“Sana i-abandon na nila ‘yung ganung style at mag-ba-backfire ‘yan sa kanila,” saad pa nito.

Inanunsyo ni Mayor Duterte ang pagbuhay sa war on drugs noong Marso 22 matapos umanong tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod.

Pinagbantaan din nito ang mga drug dealer sa lungsod.

“If you won’t leave, if you won’t stop, I will k*** you,” sabi ng alkalde.

Nauna ng sinabi ni Colmenares na ang pagbabalik ng drug war sa Davao City, kasabay ng pagdami ng mga napapatay ng mga pulis, ay dapat umanong magsilbing hudyat upang bilisan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Duterte.

Nabanggit din ni Colmenares ang posibilidad na maghain ito ng supplemental motion sa ICC bilang kinatawan ng ilan sa mga naging biktima ng war on drugs.

AUTHOR PROFILE