Darryl

Bakbakang ‘MoM’ at ‘Oras,’ parang boksing

February 24, 2023 Jun Nardo 295 views

JoelWALANG ibinigay na matapang na reaksiyon si Director Joel Lamangan nang hingan namin ng pahayag sa mga sinabi ni Direk Daryl Yap laban sa kanya sa grand mediacon ng Viva movie na Martyr or Murderer.

Humarap sa press si Direk Joel matapos ang special screening ng unang movie ng Bagong Siklab Productions na Oras de Peligro.

“Wala na po akong sasabihin. Hayaan na lang natin siyang magsalita,” maiksing pahayag ng director.

Maging ang isa sa mga bida niyang si Cherry Pie Picache, na naging matapang lumaban kay Direk Darryl, tiklop na rin ang bibig.

Basta para kay Joel at sa lahat ng cast at involved sa production, ang katotohanan ang gusto nilang ipakita sa kabuuan ng pelikula at labanan ang disinformation.

Pinaghalo itong docu at pelikula at in fairness, maraming taong nanood sa special screening, huh!

Sa March 1 ang tunggalian ng Oras de Peligro at Martyr or Murderer. May the best film win! Parang boksing, huh!

AYAW PAKABOG KAY NORA

MALALAMAN sa Lunes ang bagong pasabog ni Vilma Santos-Recto matapos pag-usapan ang kumakalat na banner niya na Nasan si Vilma?

Haharap sa media si Ate Vi kaugnay ng pasabog niyang ito, huh!

Aba, kung visible ngayon si Nora Aunor, hindi powedeng mahuli ang Kumareng Vilma niya, huh!

Abang-abang, Tonight peeps!

AUTHOR PROFILE