Source: FB post
Bahagi ng resto ni Matteo nasunog
NILAMON ng apoy ang bahagi ng restaurant ng aktor na si Matteo Guidicelli Biyernes ng hapon sa Alabang, Muntinlupa City.
Batay sa ulat ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection, alas 12:10 ng tanghali nang makatanggap sila ng ng iulat hinggil sa nasusunog na bahagi ng dalawang paalapag ng West Gate Hub Building, sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Ayon sa ulat, naapektuhan ng sunog ang Exhaust Duct Pipe ng Da Gianni Cucina Italiana, na pag-aari ng akto
Batay sa Operational Procedure s Manual ng BFP, tinatayang nasa mahigit P100,000,00 ang pinsala ng sunog dahil itinuturing na Class A ang establisyemento.
Mabilis namang naapula ang apoy dakong alas 12:21 ng hapon na hinihinalang sanhi ng open flame mula sa lutuan.