Bagyong Goring lumalakas; 3 lugar Signal No.1
NAKATAAS na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa tatlong lugar sa bansa, dahil sa patuloy na pagpapakita ng lakas ng Tropical Storm Goring.
Sa inilabas ng bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dakong 11 ng tanghali nitong Biyernes, ang Signal No.1 ay nakataaas sa eastern portion ng mainland Cagayan, kabilang dito ang Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Penablanca, Santa Teresita, Bugue, Camalaniugan at Aparri; eastern portion ng Isabela kasama ang Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini at Ilagan City; at eastern portion ng Babuyan Island kasama ang Camiguin Island.
Ang sentro ng bagyo ay namataan sa 225 kilometro east ng southeast ng Basco, Batanes, o 270 km east ng Calayan, Cagayan.
Si Goring ay may dalang lakas ng hangin na aabot sa 85 km bawat oras at pabugsong aabot sa 105 km bawat oras.
Ayon sa Pagasa, mabagal ang pagkilos ni Goring sa direksyong south southwestward.
Palalakasin din ni Goring ang hanging habagat na magbibigay ng manaka-nakang pag-ulan sa western portion ng Central Luzon at Southern Luzon simula sa Sabado.