Bagong single ni Catriona malalim ang mensahe

May 25, 2021 Eugene E. Asis 119 views

MALAPIT nang mapakinggan ang kantang “R.Y.F” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na bagong bersyon ng inspiring anthem na “Raise Your Flag” mula sa Star Music.

“Hindi na lang tungkol sa isang Filipina na itinaas ang flag natin sa Miss Universe ‘yung kanta. Tungkol na rin ito sa journey ng bawat isa sa atin, pagtitiwala sa sarili, at pagpanig sa tama,” ani Catriona.

Noong 2020 pa dapat iri-release ang “R.Y.F” pero naniniwala si Catriona na ngayon ang tamang panahon para ilabas ang kanta dahil na rin sa akmang mensahe nito sa mga pagsubok na hinaharap ng mundo ngayon. Dagdag niya, kailangan daw na mas maging matapang ang lahat para iparinig ang ating mga boses para sa kapakanan ng ating kapwa.

Bukod sa pag-awit ng “R.Y.F,” nilagyan din ng ‘twist’ ni Catriona ang ilang lyrics ng kanta, habang salamin naman ng kahulugan nito para sa kanya ang mapapanood sa music video nito.

Kumuha ng inspirasyon mula sa Miss Universe journey ng beauty queen ang 2019 single na “Raise Your Flag” na isinulat nina Trisha Denise at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Layunin ng kanta na palakasin ang loob ng mga nawawalan na ng pag-asa o direksyon sa buhay at orihinal na inawit ni KZ Tandingan kasama si Kritiko na nagsulat at nag-perform ng rap verse nito.

Mapapakinggan ang “R.Y.F” sa iba’t ibang digital music platforms simula ngayong Biyernes (May 28). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Aicelle maraming natuklasan sa pagiging mommy

Aicelle SantosAYON sa Soul Diva na si Aicelle Santos, maraming bagay ang nabago at natuklasan niya tungkol sa kaniyang sarili simula nang maging ganap na mommy siya kay Baby Zandrine.

Sa nakaraang interview niya, ibinahagi ni Aicelle na nasorpresa siya sa mga kinakaya niyang gawin para sa anak, “What surprised me the most is how much you can change for your child. Now na mayroon ka ng anak, pag gumising na ang anak mo ng 6:30 AM, wala kang choice, kailangan mong gumising ng ganoon kaaga. Magche-change siya, magfi-feed siya, kailangan mong magpa-araw. Yun ‘yung mga bagay na naisip kong kaya ko palang magbago. Bakit? Kasi mahal na mahal mo ‘yung anak mo and you will do everything or anything for her.”

Bukod sa pagiging mommy, abala rin si Aicelle bilang mainstay performer sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ at pagiging judge sa world class singing competition for kids ng GMA na ‘Centerstage.’

‘Voltes V: Legacy’ team sasabak na sa lock-in taping

PUSPUSAN na ang paghahanda ng bumubuo ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na ‘Voltes V: Legacy’ para sa first leg ng kanilang lock-in taping.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes (May 21) upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.

Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang Executive Producer ng series na si Darling Torres.

Ani Direk Mark, “We start our hotel quarantine today. In a few days, we’ll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”

YouLOL kalahating milyon na ang subscribers

YouLOL
YouLOL

MAS special at memorable ang pagdiriwang ng first anniversary ng official comedy YouTube channel ng GMA Network na ‘YouLOL’ matapos na umabot sa kalahating milyon ang bilang ng subscribers nito.

Mayo ng nakaraang taon nang opisyal na ini-launch ang YouLOL upang magbigay ng exclusive at cutting-edge comedy content sa mga Kapuso.

Patok naman sa viewers ng YouLOL ang good vibes na hatid ng naturang channel dahil as of May 23 ay may over 146 million lifetime views na ito. Bukod pa rito, benta rin ang mga nakakaaliw na videos na hatid ng YouLOL sa kanilang TikTok account na umabot na sa 1.1 million ang followers.

AUTHOR PROFILE