Lovi

Bagong Regal movie, sariling konsepto ni Lovi

March 19, 2022 Ian F. Fariñas 295 views

MULI ngang nag-renew ng movie contract sa Regal Films ang tinaguriang Precious Jewel na si Lovi Poe.

Siyempre, nasa contract signing din na ginanap sa Club Filipino ang manager ng aktres na si Leo Dominguez ng LVD Artist Management at Roselle Monteverde, anak ng Regal matriarch na si Lily Monteverde.

Biro ni Roselle, 20 movies ang nakatakdang gawin ni Lovi sa bagong kontrata. Kaya natawa ang aktres.

“Bahay” na ngang maituturing ni Lovi ang Regal dahil ito ang unang sumugal sa kanyang talento nu’ng siya ay neneng-nene pa sa murang edad na 15.

Aniya, “It’s like I’m going back to my roots because Regal Films was the first company that ever gave me a movie contract.

“They’ve been my home since I was 15. Out of a thousand ‘NOs’ you’ll hear in life, it’s the first yes that matters.”

Kabilang sa mga naging pelikula ni Lovi sa Regal ay ang Aswang ni Direk Jerrold Tarog, My Neighbor’s Wife ni Direk Jun Lana, The Escort, kapareha si Derek Ramsay, ang adaptation ni Chris Martinez ng Temptation Island at ang Woke Up Like This nila ni Vhong Navarro.

Bago nag-renew, na-shoot na ni Lovi ang pinakabagong proyekto sa Regal, ang Seasons, na mula sa sarili niyang konsepto. Kailangang i-trim down ang movie dahil tatlong oras ang running time sa ngayon.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Lovi at Carlo Aquino. Kinunan ang kabuuan nito sa Ilocos.

“I’m grateful to Mother Lily and to Ms. Roselle for their trust and confidence in me, and another thing that I am thankful for is that they help me grow as an artist.

“I am excited with my first team-up with Carlo (Aquino). It was from my idea and I worked with Ms. Roselle closely to develop it. Regal is very open to collaborating with me as Seasons is my very first story that was made into a film,” chika pa ni Lovi sa contract signing.

Bilang producer, wish ni Roselle na umayos na ang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa at makaagapay na ang theater owners sa muling pagbangon ng pelikulang Pilipino.

Kailangan daw mag-ready ang cinemas para maiwasan ang problema sa projectors gaya ng nangyari sa MMFF last year.

AUTHOR PROFILE