Bilib

Bagong PPop group, sikat sa Indonesia

August 4, 2023 Ian F. Fariñas 194 views

Malakas ang naging impact ng bagong PPop group na BILIB ng AQ Prime Music nang ipakilala sila sa PPop convention kamakailan.

Big hit agad sa PPop community fans ang kanilang unang single na Kabanata.

Nagpakitang gilas ang grupo sa kanilang song and dance rendition ng Kabanata sa gitna ng nagtitiliang fans dahil sa malakas nilang presence onstage at galing sa pag-awit at pagsayaw.

Plus factor nga ang nakikitang malaking billboard ng BILIB sa EDSA-Mandaluyong sa unti-unti nilang pagsikat.

Maging sa Indonesia ay meron nang following ang grupo dahil sa catchy song nilang Kabanata.

Kasali ang BILIB sa highly-anticipated PPop Fiesta na ginanap noong July 23 sa Robinsons General Trias, Cavite at Robinsons Starmill, Pampanga noong July 30.

Sa August 13, dadayo naman sila sa Robinsons Lipa, Batangas.

Pagkakataon na ng PPop community na makita up-close ang BILIB sa meet and greet ng grupo sa nasabing mall kaya hindi ito dapat palagpasin.

AUTHOR PROFILE