Bagong planta ng milling ng harina binuksan ni PBBM
MALAKING tulong para makamit ang food security sa bansa sa pagbubukas ng bagong plant ng milling ng harina sa Quezon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. malaki ang papel na gagampanan ng Universal Robina Corporation (URC) sa Sariaya.
Kaya makakatulong aniya ang URC para masiguro na ang mga kababayan ay may sapat na yaman para mapangalagaan ang kalusugan at ang kinabukasan ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kapasidad at teknolohiya ng planta ng harina ay maaaring makagawa ng 3,500 metriko toneladang harina kada araw.
Ito aniya ay makakatugon sa parehong paglaki ng demand ng lokal market at maging sa pagtaas sa pangangailangan ng pagmain sa hapag ng mga Filipino.
“But this is not just about numbers. This facility, with its focus on efficiency and sustainability, speaks to our shared responsibility to build a stronger, more resilient future,” dagdag pa ni Marcos.
Nasa 10 ektarya ang lawak ng planta.