Paoyen

Bagong pelikula ni Paolo, trending

August 26, 2021 People's Tonight 484 views

Iba talaga ang karisma ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa viewers.

Sa unang araw pa lang ng bago niyang pelikula sa Netflix na A Faraway Land, agad itong napasama sa “Top 10 in the Philippines” list.

Umani rin ito ng rave reviews mula sa netizens dahil sa natatanging pagganap ni Paolo bilang si Nico na lumipad sa Faroe Islands para gawan ng documentary ang Pinay na ikinasal sa isang Faroese.

Ilan din sa kapwa celebrities niya ang nag-post tungkol dito.

Isa na rito ang leading lady niya sa upcoming GMA series na I Left My Heart in Sorsogon na si Heart Evangelista.

Last year, pinabilib din ni Paolo ang viewers sa mahusay niyang acting sa mga pelikulang Through Night and Day at Ang Pangarap Kong Holdap na inilabas din sa Netflix.

GMAAC, may vaccine awareness campaign

Sey ng GMA Artist Center talents sa publiko, dapat i-#FlexMoNa ang pagpapabakuna.

Sa inilunsad nilang online vaccine awareness campaign noong Biyernes, iba’t ibang Kapuso stars ang lumahok para hikayatin ang mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ilan sa kanila ay sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Sanya Lopez, Bianca Umali, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Barbie Forteza at Jak Roberto.

Mainit itong tinanggap sa social media at naging top trending topic din sa Twitter ilang oras matapos ang official launch.

Kaya naman panawagan nila sa mga Kapuso, huwag kalimutang gamitin ang hashtag na ‘#FlexMoNa’ online tuwing ipamamalita ang successful na pagpapabakuna.

AUTHOR PROFILE