Dolor Si Gov. Bonz Dolor (gitna) at Vice Gov. Ejay Falcon kasama si Bgy. Captain Nolito Dela Cruz sa ginanap na ribbon cutting sa pagbubukas ng Bgy. Palayan Hall. Larawan mula sa Or. Mindoro PIO

Bagong Palayan Bgy. Hall, binuksan na

May 16, 2023 Jojo C. Magsombol 174 views

ORIENTAL MINDORO – Inilunsad nitong Mayo 10, ang mahigit P2 milyong halaga na bagong gusali ng barangay hall ng Barangay Palayan, Pinamalayan.

Pinangunahan nina Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor at Vice Governor Ejay Falcon kasama si Barangay Captain Nolito “Noli” Dela Cruz at iba pang opisyal ng barangay ang pagbubukas ng nasabing bagong barangay hall.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng gobernador na buo ang kanyang suporta sa pamunuan ni Kapitan Noli sa Bgy. Palayan at sa pamamagitan ng iba pang nakalinyang proyekto.

Kabilang ang P2.8 milyon na pondo para sa konstruksyon ng covered court, kalahating milyong halaga para sa pagpapatapos ng isolation building, P500,000 halaga ng agricultural supplies, P200,000 halaga ng streetlights, at mga kagamitan para sa daycare center, ayon kay Dolor.

Nagpaabot din ng kaniyang pagbati si Vice Gov. Ejay Falcon sa naturang barangay dahil sa pagkakaroon ng maayos na pamunuan nito kaya naman maraming mga programang patuloy itong natatanggap mula sa kanilang pamunuan na magbibigay ng kapakinabangan sa mga taga barangay.

Samantala, lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ni Dela Cruz kasama ang kaniyang sanggunian sa mga programang kanilang natatanggap mula sa Kapitolyo.

AUTHOR PROFILE