Bagong NCH facilities pinasinayaan nina Rep. Toby, Mayor John Rey
MISMONG si Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang nag-inaugurate ng bagong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics sa Navotas City Hospital (NCH) noong Martes.
Layunin ng improvement ng ospital na mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Navoteños na tanda ng panibagong hakbang upang makamit ang Level 2 accreditation ng NCH mula sa Department of Health.
“From its humble beginnings in 2015 as the city’s first hospital, we have made significant progress. Today, we unlocked another level by inaugurating ICU and additional specialty clinics,” pahayag ni Mayor Tiangco.
May facility para sa gastroenterology, ophthalmology at heart station na may 2D echo at pasilidad para sa ECG ang ospital.
“These facilities address the growing demand for medical services in Navotas.
While we hope the ICUs remain underutilized, signaling good health among our citizens, we know they will serve as a venue for many miracles, helping patients recover and return to their families,” sabi pa ng alkalde.
Pinuri ni Congressman Tiangco ang patuloy na pamumuhunan ng syudad sa serbisyong pangkalusugan.
Sinundan ng kongresista ang panawagan ni Mayor Tiangco ng pangangailangan ng wastong pagmimintina at pangangalaga sa bagong pasilidad kagaya ng iba pang pasilidad tulad ng hemodialysis units, mga nadagdag na kama, CT scan at iba.