Dizon Sinaksihan ni MPD Director Andre P. Dizon kasama sina P/Col. Raul Tacaca DDDA-MPD, P/Col. Arnold Thomas Ibay, CDDS-MPD PS 2 Commander P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, Dagupan Outpost PSMS Gerardo Gerry Tubera, MCAT Pres. Edwin Fan at Chairman Station Advisory Group ang pagpapasinaya sa bagong mobile outpost sa C.M. Recto, Divisoria sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Bagong mobile outpost sa Divisoria dagdag seguridad sa Kapaskuhan

September 29, 2022 Jonjon Reyes 612 views

DAHIL sa lalong pinaigting na seguridad sa mga mamimili at manininda at paghahanda sa paparating na Kapaskuhan ngayong “Ber” months, itinayo ang isang bagong outpost sa gitna ng island sa Claro M. Recto at Juan Luna Street sakop ng Manila Police District (MPD) Station 2 sa Tondo, Lungsod ng Manila.

Sa pagsusumikap ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll, ang bagong police outpost ay magiging backup PCP (Police Community Precinct) ni P/SMS Gerardo Tubera na siyang itinalagang hepe ng Delpan Mobile Post.

Magiging sumbungan at bantay ang outpost kung may mga reklamo o biktima ng krimen tulad ng snatching, holdap, at mga salisi kasabay nito ay may mga pulis din na magsasagawa ng beat patrolling at checkpoint.

Umaga nitong Huwebes, pinangunahan ni MPD Director Brig. Gen. Andre P. Dizon ang nasabing inagurasyon, kasama sina P/Col. Raul Tacaca, Deputy District Director for Administration; P/Col. Arnold Thomas Ibay, Chief District Directorial Staff; P/Maj. Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enfircement UnitMDTEU; at P/Col. Igmedeo Bernaldez.

Binasbasan naman ni Fr. Leo Casas ng Sto. Niño Church na sinaksihan ng mga miyembro ng Manila Chinese Action Team (MCAT) sa ilalim ni Edwin Fan at ni Retired Lieutenant Jimmy Soriano at Jarold Go.

Ang tema ng inagurasyon ay upang ipagpatuloy ang direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Brig. Gen. Jonnel Estomo na “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) sa lahat ng oras.

AUTHOR PROFILE