Kimson

Bagong Kapuso, bet sumabak sa action roles

October 31, 2021 Ian F. Fariñas 124 views

Minsan nang pinangarap ng newest Kapuso star na si Kimson Tan ang maging lead sa isang romantic comedy pero nagbago ang kanyang hangarin matapos mag-guest sa award-winning magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kuwento ni Kimson, “Before, gusto ko talaga rom-com pero nung nag first guesting ako sa GMA, my first show was Daig Kayo Ng Lola Ko and my role there was a policeman. Nagustuhan ko talaga ‘yung fight scenes and feeling ko, ang nilu-look forward kong role is something sa action.”

Hindi naman maitatanggi na labis ang pasasalamat ni Kimson na nabigyan siya ng pagkakataon na maging parte ng GMA Artist Center na nagbukas ng pinto para makapasok siya sa showbiz.

“Very blessed ako. It’s a once in a lifetime opportunity. Thankful ako sobra sa GMA, sa GMA Artist Center, to my managers, sa handler ko na talagang nagbibigay ng atensyon sa aming lahat para magkaroon ng trabaho and everything, so I’m really thankful to them talaga.”

AUTHOR PROFILE