Kris

Bagong kaganapan sa lovelife ni Kris pinag-uusapan

June 20, 2023 Aster Amoyo 334 views

Kris1Kris2MAY mga netizens na nagtatanong kung hindi raw ba napapabayaan ng Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste ang kanyang tungkulin sa kanyang mga constituents dahil parati umano itong nasa Los Angeles, California, USA para bantayan ang kanyang bagong `lady love’ na si Kris Aquino na patuloy na sumasailalim sa iba’t ibang treatments na may kinalaman sa kanyang multiple autoimmune diseases?

Mark who is now serving his last term bilang vice-governor ng Batangas is seven years Kris’ junior. He is 45 while Kris is 52.

Sa kabilang banda, tiyak namang masaya ang mga elder sisters ni Kris na sina Ballsy, Pinky at Viel dahil may nagbabantay kay Kris na malapit sa kanyang puso dahil nakabalik na sa Pilipinas ang dalawa nitong mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nagpapasalamat din kay VG Mark ang mga supporters ni Kris dahil sa love at concern na ipinapakita nito sa kanilang idolo.

Although wala pang direktang pag-amin na nagmumula kay Kris sa tunay na estado ng relasyon nila ni Mark, mahahalata ito sa kanyang mga post laluna pagdating kay VG Mark na masipag mag-post sa kanyang social media account na may kinalaman sa kundisyon ngayon ng dating Presidential daughter and sister at tinaguriang `Queen of All Media,’ ang actress, TV host at entrepreneur. VG Mark has long been separated sa kanyang ex-wife na si Ann Leviste with whom he has three kids habang si Kris ay annulled na rin ang kasal sa kanyang ex- husband, ang cager-turned politician na si James Yap kung kanino naman siya may isang teen-age son na si Bimby.

Sadya nga yatang lapitin si Kris ng mga politician. Konsehal ng San Juan City ang kanyang ex-husband na si James Yap. Naging nobyo rin siya ang actor-comedian at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Naging mayor ng Paranaque ang isa pa niyang ex-boyfriend, ang actor-comedian na si Joey Maquez at kumandito rin noon pero natalo ang ama ng kanyang panganay na si Joshua, si Phillip Salvador.

Samantala, marami naman ang nagtataka sa Instagram post ni Kris tungkol sa pag-amin ni VG Mark sa kanilang relasyon na aniya’y ginawa ng huli without her consent. Hindi pa ba siya sigurado kay VG Mark? Whatever, alam naman natin na lahat ng sinasabi ni Kris ay pinag-uusapan.

Isang sulyap sa buhay ni Edgar Mortiz

BobotBobot1Bobot2Bobot3SA aming exclusibong panayam sa singer, actor-comedian, director at producer na si Edgar `Bobot’ Mortiz para sa aming online show na “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin nito na ang `Star for All Seasons’ na si Vilma Santos ang kanyang first love. They were both in their teens nang maging magka-loveteam na si Bobot mismo ang may gusto na makatambal si Vi na nakita umano niya in one of the corridors ng old ABS-CBN building.

Inamin ni Bobot na siya umano ang unang ka-loveteam ng superstar na si Nora Aunor dahil pareho silang naging kampeon ng amateur singing contest na “Tawag ng Tanghalan” sa magkasunod na taon. 1966 si Guy (Nora) at 1967 naman si Bobot.

Ang “Oras ng Ligaya” ay isang variety show nung dekada 60 hosted by the late Sylvia La Torre, Oscar Obligacion, Eddie San Jose at Vic Pacia at ang yumaong si Tony Santos naman ang director at nagtapos sa ere nung 1972 during the Martial Law nang isara ang ABS-CBN.

Naging tatay-tatayan si Direk Tony Santos ng maraming stars at mga baguhang artista at kasama na rito sina Bobot at Vi.

Since he was a kid ay mahilig nang kumanta si Boboy ng mga standardm songs tulad ng mga classic hits ng yumaong si Frank Sinatra na kanyang paborito hanggang ngayon.

He was 12 when he auditioned for “Tawag ng Tanghalan”. Since 13 pataas ang required age, he waited for him to turn 13 bago siya nakapasok.

Ang bahay nina Bobot ay tambayan umano noon nina William Leary, Douglas Quijano at iba pa at si William ang naging unang manager niya. William also put up his own record company, ang Willears Records who produced his fist single na “My Pledge of Love” na kinompos ni Danny Subido. Pero ang lola ni Bobot ang nag-finance ng P500 para i-produce ang nasabing song nang malaman nitong gustong ibigay noon ang nasabing kanta sa yumaong si Eddie Peregrina na siyang namamayagpag noon sa tin pan alley.

Although ang Willears Records ni William ang nag-produce ng kanta, he brought Bobot and the song sa Vicor Music Corporation, ang leading recording company noon na pag-aari ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad.

Ang awiting “My Pledge of Love” ang naging instrumento ni Bobot para sumikat nang husto bilang recording star.

Si Bobot din ang nagdala ay Vi (Vilma Santos) sa Willears Records at dito naman lumabas ang “Sweet Sixteen” hit song ng actress-politician.

Ang “My Pledge of Love” ay ginawa ring movie nila ni Vi hanggang makagawa sila ng almost 30 movies during the peak ng kanilang loveteam.

Ang Vi & Bot ay humabol sa kasikatan ng Guy & Pip nina Nora Aunor at Tirso Cruz III at ang kanilang respective loveteams ang mainit na magkaribal noon.

Nung hindi pa nabubuo ang Vi & Bot loveteam noon, naging love triangle sina noon nina Guy & Pip pero nang sumikat nang husto ang Guy & Pip ay dito na naghanap si Bobot ng kanyang sariling ka-loveteam hanggang aksidente niyang makita si Vi sa corridor ng ABS-CBN. Dumaan noon sa awkward stage and career ni Vi matapos siyang maging child star na kanyang sinimulan sa “Trudis Liit”.

Kung ang yumaong Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno ay identified sa Guy & Pip tandem, the late actor-comedian at host na si Ike Lozada naman ang number supporter noon ng Vi & Bot loveteam.

Nang maghiwalay sina Vi & Bot pati ang kanilang loveteam, nag-suffer ang career ni Bobot na tulad din noon ng paghihiwalay ng Guy & Pip. Pero nakapag- rebound sila ni Pip on their own.

Hindi nagtagal nabuo ang “Bad Bananas” nila nina Christopher de Leon, the late Johnny Delgado and Jay Ilagan na naging isa sa mga top rating shows noon ng ABS-CBN.

Nang maging isa sa mga executives ng ABC-5 (now TV5) ang talent manager at Viva executive na si June Rufino, she asked Bobot na kung puwede nitong idirek ang gag show na “Tropang Trumpo” na tinampukan noon nina Ogie Alcasid, Michael V, Gelli de Leon, Carmina Villarroel at iba pa. At naging assistant director naman ni ang actor na si Al Tantay.

Nang mapunta sina Ogie at Michael V. sa GMA to star in another gag program, ang “Bubble Gang,” kasama sana si Bobot to direct the show and was about to sign up nang siya’y mag-back out bilang respeto kay June Rufino na siyang nagbigay ng break sa kanya bilang isang TV director. Magmula noon ay hindi na nawalan ng TV directorial jobs si Bobot laluna sa bakuran ng ABS-CBN kung saan siya naging resident director ng maraming programa (most gag shows and sitcoms) at kasama na rito ang kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na tumagal sa ere ng 14 years at nakapag-produce ng maraming stars including Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Nash Aguas at marami pang iba.“I feel proud seeing where they are now,” pahayag ni Bobot, ang loving and caring husband ni Milette Santos-Mortiz with four grown up children and five grandchildren na ang dalawa sa kanyang mga anak na sina Badjie at Frasco ay
sumunod sa kanyang yapak bilang TV director.

Bobot is currently directing the comeback TV sitcom of former Kapamilya actor John Lloyd Cruz sa GMA, ang “Happy ToGetHer”.

Bukod sa kanyang upcoming vinyl album (of standard songs) to be released by Curve Entertainment nina Rudy Ty and Narciso Chan na parehong veterans sa recording business na itataon sa 69 the birthday ni Bobot this August, marami pa umano siyang nilulutong bagong show at kasama na rito ang revival ng “Goin’ Bulilit”. Bumalik si Bobot sa recoding after over 35 years.

AUTHOR PROFILE