Allan

Bagong DOTR Secretary si Vince Dizon

February 14, 2025 Allan L. Encarnacion 201 views

PINAKABAGONG Cabinet member ng Marcos administration si incoming DOTR Secretary Vince Dizon.

Noong mga unang buwan ng PBBM admin, umugong na ang pag-upo ni Vince sa DOTR bilang kapalit ni Sec Art Tugade.

Nagtaka tayo kung bakit hindi natuloy gayong ang naging balita natin ay for signature na ang appointment niya noon. Pero makalipas ang halos tatlong taon, natuloy din ang appointment ni Dizon sa DOTR.

May transition team na ang kampo ni outgoing Secretary Jaime Bautista at grupo ni Sec Dizon para maplantsa na ang turnover of office sa February 21.

Marami ang hindi nakakaalam na si Vince ay isang propesyunal sa maraming larangan. Katunayan, siya ang lider ng kampanya ng pamahalaan para makatugon sa covid noong pandemic. Ang mga nakita nating quarantine faciities na magsulputqn sa buong bansa ay si Vince ang namahala.

Wala itong hilig sa propaganda pero nakita natin ang apektibo at sistematikong pagresponde ng pamahalaan sa panahon ng pandemic. Ito nga ang tinaguriang bakuna czar na siya ring nanguna sa pagpapalaganap ng mga dumating na vaccine.

Si Vince ang dating President/Chief Executive Officer ng Bases Conversion Development Authority na nag-akyat ng maraming pondo para sa kaban ng pamahalaan.

Isa itong ekononomista at professor na may malawak na karanasan sa pamamahala. Malaking addition sa Marcos government ang pagpasok ni Sec Vince dahil halos tatlong taon naging stagnant ang DOTR mula sa pagiging vibrant department noong panahon ni Tugade.

Kaya kung mapapansin nyo sa mga nakaraang sona ni President Marcos, walang mga flagship at significant accomplishments ang DOTR na maibandera dahil nga walang gumalaw na malalaking proyekto sa nakaraang magtatatlong taon.

Umaasa tayong sa pagpasok ni Sec Vince sa DOTR ay gagalaw na ang MRT 7 mula sa North Triangle, Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan. Sa totoo lang, tatlong taong nakatingwawang ang proyekto kaya nga iyong ibang giant steel beam na nadadaanan ko sa Quirino Highway papuntang Bulacan ay nililumot na.

Pati ang Common Station na nasa North Avenue at Edsa ay nagmimistulang white elephant na dahil pagkatapos madaliin ni Tugade ang konstruksiyon, naiwanan na lang na parang ghost building sa halip na napapakinabangan na ng ating mga kababayang sumasakay ng LRT at MRT.

Maging ang Metro Manila subway ay tatlong taong nag-usad pagong din kaya tiyak na hindi na ito aabot sa target operability niya hanggang 2027 kahit man lang mula Tandang Sora avenue station hanggang North Ave at Quezon Avenue stations sa Quezon City.

Tsk, tsk, maraming trabaho ang nakaatang kay Secretary Vince kaya palagay ko ay lalo na itong imawawalan ng oras na kumain at magpalaki ng katawan!

Kidding aside, sabi ni Sec Vince, he will hit the ground running para mahabol ang mga nawalang taon sa sektor ng transportasyon.

Congratulations and good luck, Sec Vince!

[email protected]