Manny Pinangunahan nina DPWH Sec. Mark Villar ( gitna), La Union 1st Dist Rep. Pablo C. Ortega (kanan) at DPWH Reg. 1 Director Ronnel M. Tan ang ceremonial drive-thru sa pagbubukas ng bagong Bypass Rd sa La Union.

Bagong Bypass Rd sa La Union binuksan ni Villar

October 1, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 1044 views

Extraordinary work perfomance ng DPWH Reg. 1, pinuri:

PORMAL na binuksan ni Department Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar nitong Biyernes October 1, 2021 ang may 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section ng Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road sa lalawigan ng La Union.

Pinangunahan ni Sec. Villar ang ceremonial drive-thru kasama si La Union 1st District Congressman Pablo C. Ortega, at DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan upang pormal na buksan ang bagong Bypass Road na siyang magpapaluwag ng Manila North Road sa San Fernando City at San Juan.

Ang pagbubukas ng bagong Bypass Road ay dinaluhan din nina DPWH Senior Undersecretary Rafael C. Yabut, Undersecretary Eduardo S. Ramos Jr., Assistant Secretary Wilfredo S. Mallari, Assistant Secretary Mel John I. Verzosa, DPWH Region 1 Asst. Director Emmanuel W. Diaz, at iba pang public works at local officials.

“Motorists can now use the 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section of the Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road. This completed segment traversing rice fields will be helpful to the locals, especially famers in the area,” sabi ni Sec.Villar.

Samantla ay pinuri naman ni Sec. Villar ang mga accomplishments ng DPWH Region 1 na nakapag-ambag ng malaki sa pag-unlad ng Ilocos Region.

“I’m really thankful for DPWH Region 1 under the outstanding leadership of Director Tan. May his demonstrated ability, kind of work ethic, and determination inspires others to go above in performance”, dagdag pa ni Sec. Villar.

Sa kanyang project briefing, sinabi ni Director Tan na ang San Fernando-San Juan Section mula Jct San Fernando-Bagulin Road, Camansi, San Fernando hanggang Jct Manila North Road (MNR), Taboc, San Juan ay sumasakop sa road opening, portland cement concrete paving (PCCP), drainage, shoulder, slope protection works, provisions of pavement markings at signage.

Kabilang din sa proyekto ang pagtatayo ng 4-lane Talogtog Bridge na may habang 46.70 lineal meters at pagtatayo ng Abut Bridge na may habang 21.20 lineal meters.

Tinatayang makikinabang sa bagong daan na ito ang may 32,000 motorista araw-araw at magpapaluwag sa MNR sa bahagi ng San Fernando City at San Juan. Iiksi rin ang travel time at magiging 15 minuto na lamang ang biyahe mula sa dating 30 minuto.

Ang DPWH ay naglaan ng kabuuang P810 Million para sa proyekto. Sa kasalukuyan ay ginagawa na ang bahagi ng San Juan at Bauang.

Ang 22.190-kilometer bypass road na Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road ay tinatayang aabot ng P1.57 Billion sa kabuuan at ang required P764 Million funding upang makumpleto ang proyekto ay ipapanukala mula 2023 hanggang 2025 upang masakop ang pagtatayo at pagbubukas ng natitirang bahagi ng San Fernando City.

AUTHOR PROFILE