Bagong Batangas City OCGS workers nanumpa
PINANUMPA ni Mayor Beverley Dimacuha sa tungkulin ang mga bagong promote na empleyado ng Office of the City General Services (OCGS) at Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong Agosto 1.
Binati ng alkalde ang mga empleyado at pinaalalahanan na maging tapat na public servants.
Binigyang diin niya na maraming kawani mula sa pribadong sektor ang gustong lumipat sa pamahalaang lungsod kaya hinamon niya ang mga ito na patunayan na karapat-dapat sila mapabilang sa lokal na pamahalaan.