Carla

Bago at palabang Carla, bubungad sa 2023

December 12, 2022 Jun Nardo 144 views

Carla1

PALABAN ang sexy look ni Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang latest photo shoots.

Mapang-akit at kahali-halina ang awra ni Carla at wala nang bakas ng epekto ng nangyari sa marriage nila ni Tom Rodriguez.

Samantala, si Tom naman, eh, umiikot sa States.

Nakasama niya ang stand-up comedian na si Vivirah sa isang pictorial.

Bagong Carla Abellana ang bubungad sa publiko ngayong 2023.

Trabaho muna ang sasabakan niya kesa sa pag-ibig.

BAKBAKAN SA AKTING

BAKBAKAN sa acting ang pagsasamahang movie nina Nora Aunor at QC Councilor Alfred Vargas next year.

Ibinalita ni Direk Adolf Alix Jr. na magsasama sa pelikulang Isaac & Rebecca sina Ate Guy at Alfred mula sa panulat ni Jerry Gracio.

Ayon sa Facebook post ni Direk Adolf, out of the box ang characters ng dalawang bida.

Nakatrabaho na niya si Nora habang first time niya with Alfred.

Tinutotoo ni Konsehal Alfred ang pangakong babalikan ang paggawa ng movies lalo na’t magaan-gaan ang schedule niya bilang konsehal.

Kapwa award-winning actors sina Ate Guy at Konsehal Alfred kaya winner agad ang pelikula nila.

Wala pang ibang detalye na inilabas ang director tungkol sa 2023 project.

AUTHOR PROFILE