Bagets bali ang binti sa Tondo riot

January 24, 2022 Jonjon Reyes 213 views

WALO ang dinampot para sa interogasyon ng Manila Police District habang nabalian ng binti ang isang 17-anyos na tinedyer sa riot na sumiklab Linggo ng gabi sa Tondo, Manila.

Itinago sa pangalang Mark, ng Quezon St., Brgy.10, Tondo, ang nabalian ng binti na isinugod sa Orthopedic Hospital. Habang si alyas Jhon, 15, ng Sandico St. sa Brgy.35 at ang pito pang kabataan na nasa edad 15 hanggang 17 anyos ang isinasailalim sa masusing pagsisiyasat upang matukoy kung sino ang dapat managot sa insidente.

Ayon sa ulat na ipinarating ni Pat. Gelly May Barlaan, ng Children and Women Protection Unit, kay P/ Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, Station Commander ng MPD- Station 2 , bandang 7 p.m. nang sumiklab ang riot ng mga kabataan sa kahabaan ng Camba St.,Tondo.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ni P/ Lt. Col. Lorenzo at nasawata ang awayan ng magkabilang grupo. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE