Yda Larawan mula sa IG/Yda Manzano

Bagay maging berde

June 24, 2024 People's Tonight 144 views

BAGAY na bagay pa rin sa ’90s action-star beauty na si Yda Manzano ang magbandera ng kanyang walang kupas na sex appeal kahit na nasa kwarenta na ang edad nito.

Sa kanyang Instagram page, pati ang outfit niya sa pagtulog, ibinalandra ng hot actress.

Masisipat ang kakinisan ni Yda sa suot na green one-piece lingerie. Bakat na bakat ang hotness ng aktres.

“Good morning!! Bagay pala sakin ang green,” hirit niya sa caption ng kanyang post.

Ang mga barako tuloy malamang naging “green minded” sa inihain ni Yda sa kanila.

Gusto ngang ma-experience ng kanyang male fans ang alagang mommy na yummy na tulad niya. Keri pa rin kasing magpatakam ni Yda at makipagsabayan sa younger sexy stars ngayon.

Tampok si Yda sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ sa direksyon ni Mervyn Brondial. Nakipagsabayan siya sa mga young stars na tulad nina Jem Milton, Christy Imperial, at Candy Veloso.

Ngayon nga ay tila may niluluto na naman siyang bagong proyekto.

Nakilala si Yda sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bukang Bibig, La Querida, Suki, Sex Hub, May Sayad, 1st Time, Mamasan, at Halo-halo X.

AUTHOR PROFILE