Bagatsing Inihayag ni Manila mayoralty candidate Cong. Amado Bagatsing ang kanyang buong suporta kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte matapos imbitahin ito sa gaganaping proclamation rally sa San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Bagatsing suportado si Sara bilang VP

March 24, 2022 Jonjon Reyes 132 views

INAASAHANG dadalo sa proclamation rally ng isang mayoralty candidate sa Maynila si Davao City Mayor at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio ngayong araw ng Biyernes.

Sa media forum, sinabi ni Manila mayoralty candidate Congressman Amado Bagatsing na inimbatahan nila si Inday Sara Dutrte at nagkumpirma na itong darating.

Bukod kay Inday Sara, nagpahayag din aniya na darating sina Senator Win Gatchialian, Rep. Rodante Marcoleta, PDP-Laban wing sa ilalim ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, dating PNP Chief Guillermo Eleazar, iba pang kinatawan ng Kongreso at konsehal mula sa lungsod ng Maynila.

Nang tanungin naman kung susuportahan nito si dating senador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos o kung sino ang kanyang susuportahan niyang presidente, ang tanging isinagot ni Bagatsing ay “secret”.

Hindi pa nagbanggit si Bagatsing kung sino ang susuportahan sa pagkapangulo sa kabila na si Inday Sara Duterte na ang inihayag nito na susuportahan sa pagkabise presidente ng bansa.

Una nang itinaas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kamay ni Bagatsing na nangangahulugan na siya ang ineendorso nitong mayoralty candidate sa Maynila.

“Inimbita ako ng Presidente, sabi niya sumama ka na muna sa PDP-Laban, tutal local party lang naman… alam niyo na mataas ang respeto ko kay Presidente Digong so, itinaas niya kamay ko kinarga ko ang PDP-Laban,” wika ni Bagatsing nang tanungin kung bahagi siya ng nasabing partido.

Ayon kay Bagatsing, tumakbo ito dahil may handog siya para sa lahat ng Manileño –handog sa bayan bilang isang congressman ng ilang taon sa pamamagitan ng mga batas na nakakabenipisyo na ngayon sa mga kabahayan tulad ng Pag-IBIG Law na naging batas noong 1995.

Bukod dito, plano rin busisiin ni Bagatsing ang ordinansa ng Manila LGU (local government unit) ang “non-contact apprehension” na lalong nagpapahirap sa mga maralita dahil sa malaking pataw na penalty.

Kasama rin sa kanyang plano ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga centenarian senior citizens at marami pang iba. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE