Bagatsing

Bagatsing ibinida ang plataporma para sa Maynila

February 14, 2022 Jonjon Reyes 897 views

DAPAT umanong mabigyan ng “platform” ang mga kabataan na mahilig sa sports na mula sa mga pampublikong paaralan sa lungod ng Maynila.

Ito ang isa sa mga plano ni Manila mayoralty candidate at dating Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing para sa mga kabataang Manileño.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Bagatsing na bagamat mayroon na aniyang National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) – wala aniyang sports platform para sa public schools kaya kailangan magkaroon ng mga ganitong liga sa mga pampublikong eskwelahan lalo na sa mga high schools at colleges sa lungsod.

Sa pamamagitan ng sports program, mailalayo ang mga kabataan sa paggamit ng iligal na droga at iba pang masamang aktibidad.

Aminado si Bagatsing na ang iligal na droga ay nakalulusot pa rin sa mga coastal boundary area na dapat ding mahigpit na nababantayan.

Dagdag pa ni Bagatsing ang mga 100 centenarians na senior citizens na makakatangap ng P100,000 ay dapat ibaba sa edad mula 80-anyos ay maaaring ng makatanggap na ng P50,000 gayundin sa 90-anyos dahil bihira lamang sa mga senior citizens ang umaabot sa 100 taong gulang upang maramdaman nila ang kanilang award/benepisyo o pagkilala.

Dagdag niya, kanyang ipagpapatuloy ang magandang programa na ipinatupad ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso tulad ng pagbibigay ng allowance sa mga estudyante sa Unibersidad de Manila (UDM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Pagdating naman sa mga barangay officials, kailangan aniya na maisulong ang pagkakaroon nila ng benipisyo gaya ng PAG-IBIG membership contributions dahil sila ay katuwang ng local government unit.

AUTHOR PROFILE