Bading nangmolestiya ng bata, 7, sa halagang P20

June 29, 2021 Melnie Ragasa-limena 181 views

ARESTADO ang 57-anyos na sinasabing silahis o bading matapos na suhulan ng P20 ang isang batang lalaki at saka minolestiya sa loob ng kaniyang tahanan sa Quezon City, nitong Sabado ng umaga.

Ang suspek ay nakilalang Eudes Renopal Dellica, 57, residente ng 245 Block 3, Bgy Damayang Lagi, Quezon City.

Sa report ni PEMS Loida D Sta Maria ng Women and Children Protection Desk ng Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 7:00 ng umaga (June 26), nang maganap ang insidente sa nirerentahang bahay ng suspek.

Batay sa reklamo ng lola ng biktimang itinago sa pangalang Totoy, 7-anyos, naglalaro umano ang bata kasama ang pinsan sa labas ng kanilang bahay ng tawagin ng suspek.

Bingyan umano ng suspek ang bata ng P20 at niyaya na sumama sa kaniyang tahanan at saka minolestiya.

Nang makaraos umano si Delica ay pinauwi na nito ang bata pero nagsumbong ito sa lola kaya agad na pinuntahan ang tahanan ng una ng mga tanod na sina Gregorio A Irinco at Michael B Allellana ng Brgy Damayang Lagi, at inaresto ang suspek.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 ( Anti-Rape Law) and RA 7610 na isasampa laban sa kaniya.