Backrider

‘Backrider’ at ‘Pintor at Paraluman’ ng Vivamax kaabang-abang ang mga kwento

August 10, 2024 Ian F. Fariñas 170 views

Backrider1Ngayong Agosto, may dalawang bagong pelikula ang Vivamax na may kaabang-abang na kwento.

Paano nga ba malalaman kung tunay na nasa likod mo ang taong nangako ng pagmamahal sa ‘yo?

Sa pelikulang “Backrider” ni Direk Bobby Bonifacio Jr., magkakaroon ng trust issues ang isang dalaga na magtuturo sa kanyang umasa lamang sa sarili.

Si Jenn Rosa ay gumaganap bilang si Faith, isang masahista na nagbibigay ng “happy ending” para kumita nang mas malaki. Nag-iipon sila ng kanyang nobyo para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Si Aerol Carmelo naman ay si Raymond, ang nobyo ni Faith. Kinumbinsi niya si Faith na umalis na sa massage parlor at mag-solo na lang bilang masahista.

Siya pa mismo ang magdadala kay Faith sa mga kliyente. Ang totoo ay gustong gamitin ni Raymond ang pera ni Faith para sa bisyo niyang crypto.

Dito makikilala ni Faith si Dave, ang unang lalaki na tumanggi ng extra service ni Faith. Ayon sa kanya, nirerespeto niya ito. Namangha naman si Faith sa pagka-gentleman ni Dave, na ginagampanan ni Chad Alviar. Mayaman at gwapo rin ang binata.

Samantala, nabisto ni Faith ang pagwawaldas ni Raymond sa kanilang ipon. Sa pahihiwalay ng dalawa, magkakarelasyon sina Faith at Dave.

Mukhang mas maganda ang buhay ni Faith sa piling ni Dave, pero may bago siyang matutuklasan tungkol dito at kay Raymond.

Puno ng galit sa kasalanan ng dalawa, tunghayan kung paano gaganti si Faith sa kanila.

Ipalalabas ang “Backrider” sa Vivamax sa August 13.

Ang isa pang bagong offering ng Vivamax ay isang kakaibang love story tungkol sa paglikha ng magagandang obra at pagkakaroon ng pag-ibig na iingatan mo nang sobra-sobra.

Abangan sina Athena Red at Ali Asistio sa isang sexy fantasy movie mula sa direksyon ni Marc Misa. Ang “Pintor at Paraluman” ay mapapanood exclusively sa Vivamax simula August 16.

Isang young at talented artist ang makakatagpo ng kanyang perfect muse para makalikha ng magagandang obra. Pero may isang kondisyon – bawal silang magkalapit at maghawak, kahit gaano man nila gustuhin, dahil kapag ginawa nila ito ay parehas silang magdurusa at habambuhay na malalayo sa piling ng isa’t isa.

Kilalanin si Tristan (Ali Asistio), isang aspiring artist na gusto laging binibigay ang best pagdating sa kanyang mga obra. Magkukrus ang landas nila ni Paraluman (Athena Red), isang imortal na diyosa na walang katulad ang ganda.

Magiging muse ni Tristan si Paraluman at magsisilbing inspirasyon din ni Tristan sa tinatahak niyang karera bilang artist. Palaging nand’yan si Paraluman para sa binata at sa pagtagal ay mahuhulog sila sa isa’t isa.

Pero hindi lang laging swerte at kaligayahan ang hatid ng pagkakaroon ng isang imortal na diyosa bilang muse, lalo pa ang umibig dito. Tulad ng maraming bagay, mayroon din itong kapalit.

Kahit na pwedeng makasama ni Tristan si Paraluman, kahit na gumawa siya ng mga obra tungkol sa diyosa at patuloy na ibigin ito, mananatiling bawal silang maghawak o magkadikit man lang, dahil kapag ginawa nila ito, mawawala si Paraluman at maglalaho sa buhay ni Tristan.

Nag-iisa at natatanging kondisyon, pero para sa isang taong labis na nagmamahal ay napakahirap gawin at sundin.

Paano mapagtitibay nina Tristan at Paraluman ang kanilang pag-ibig kung hindi nila pisikal na maramdaman ang pagmamahal nila para sa isa’t isa? Manatili kayang tapat si Tristan sa nararamdaman niya para kay Paraluman at maging sapat sa kanya ang kung anong mayroon sila o bibigay siya at magpapadala sa mga makamundong nais niya?

Panoorin ang “Pintor at Paraluman,” streaming exclusively sa Vivamax ngayong August 16.

AUTHOR PROFILE