Luis

Baby Peanut, spoiled kay Lola Vi

September 13, 2022 Vinia Vivar 129 views

Sobrang excited na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa kanyang first apo kina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Hindi pa nga lumalabas si Baby Peanut, spoiled na agad siya sa lola dahil may regalo na agad sa kanya.

Yes, si Ate Vi ang kauna-unahang nagbigay ng regalo sa first baby ng mag-asawang Luis at Jessy.

Sa latest YouTube vlog ng Star for All Seasons, makikita ang personal na pag-aabot niya ng mga regalo sa mag-asawa.

Binasa ni Jessy ang note at nakasaad dito na pauna pa lang ito dahiil mayroon pa siyang gift sa baby shower.

Binuksan ni Luis ang malaking kahon at ang laman ay isang malaking UV sterilizer.

“Ito na ngayon ‘yung pinaka-latest,” excited na paliwanag ni Ate Vi. “Kasi talagang pina-check ko ito if it’s safe but sabi nila this is the best now, especially with the klase ng environment that we have. So, this going to be good for the baby.”

Ang isa pang gift ni Ate Vi ay feeding bottles.

Tuwang-tuwa naman ang mag-asawa, especially Jessy at sey nga niya, sobrang overwhelmed siya.

“Naku, ‘di pa lumalabas si Peanut, spoiled na siya,” sey pa ni Jessy.

Ayon naman kay Ate Vi, looking forward na siya sa paglabas ng kanyang first apo at ngayon pa lang ay marami na siyang planong bilhin for the baby.

“Mag-shopping tayo, papakita namin ‘yung isa-shopping naming pagbili ng mga pang-babies, ‘yung mga ribbons, stockings. Basta, makikita n’yo,” tuwang-tuwang sabi ni Ate Vi.

Nagbigay din siya ng message sa mag-asawa. Aniya, “As Momshie Vi, I’m so excited and continuously praying for Peanut to be okay. For you, daddy, and you, mommy, it’s going to be next chapter of your life. I am not saying (that) it’s going to be very, very smooth pero still, the most important thing is lagi kayong mag-iisip pareho as one.”

Payo pa ni Ate Vi, pamilya ang pinakamatibay na pundasyon ng isang bata kaya nararapat lang bumuo ng maganda at maayos na pamilya upang magkaroon ng magandang future ang mga anak.

AUTHOR PROFILE